Chapter 3

32 2 0
                                    

Chelsie's POV

Hindi ko inaasahan lahat ng mga nangyari kagabi. Parang panaginip nga lang eh. Pagkatapos ng matagal na panahon, pinagtatagpo ulit ang landas namin.

Bakit ngayon pa? Bakit sa iisang lugar pa? Bakit kung kailan okay na ako saka ulit siya magpapakita?

Alam niya kayang nasa iisang university lang kami? Alam niya bang nandito ako?

Sinundan niya kaya ako dito? Bakit? Bakit pa?

Huminga ako ng malalim at umiling iling. Napaka assumera ko talaga! >_<

Sa dami dami ng pwedeng isipin yun pa!

Bakit naman niya ako susundan dito?! Eh alam ko namang masaya na naman siya sa buhay niya ngayon.

Arrgghh! Nakakaasar! Bwiset! Pumapasok na naman sa isip ko yung bagay na ayoko nang maalala pa! -.-

He doesn't care about me anymore. At mas lalong wala na akong pake sakanya! Baka nga hindi na niya ako kilala eh.

Wow, sobrang kaampalayahan naman yun ah! -.-

Nako, napapatagal lang ako sa paglalakad sa kakaisip ng kung ano ano. Male-late na ako sa klase ko.

Mag isa lang akong naglalakad ngayon, naunang pumasok si Jo. Late na kasi ako nagising kanina kaya iniwan ako ni Jo.

Habang naglalakad ako papunta sa room namin, nadaanan ko yung bulletin board sa tapat ng isang room. Lalagpasan ko na sana kaso agaw pansin yung malaking poster na nakadikit dun eh. Napahinto ako at tinignan ito.

Ito yung pa-audition para sa banda mamaya.

The search for new vocalist of the band RockStar. Everyone is invited! Hope to see you there!
Where: Function room.
When: Today at 2:00 pm

So RockStar ang pangalan ng banda nila? Ang baduy ah!

Pagkatapos kong mabasa yun, naglakad na ulit ako. Malapit na mag 1:00 pm, hindi na yata ako aabot sa klase ko.

Hindi na ako naglakad, tinakbo ko na ang daan. Nagmamadali na talaga ako. Nako! Ang sungit pa naman ng prof namin ngayon. Ayaw na ayaw nun na may late na pumapasok. Yari ako kapag naunahan niya ako pumasok.

At nang makarating ako sa tapat ng room namin. Bubuksan ko na sana ang pinto nang mapansin kong naka lock ito.

Patay. Nandito na yung prof namin panigurado. Palagi niyang pinapa-lock ang pinto sa loob kapag magtuturo na siya. Sinisugurado niya na wala ng late na papasok. Tokwa! First time kong ma-late sakanya! Kilala pa naman ako nun. Last sem kasi naging prof ko rin siya kaya alam ko na yung mga patakaran niya sa classroom.

Okay. No choice. Hindi na talaga ako makakapasok sakanya. Maghihintay na lang siguro ako dito hanggang sa matapos ang klase. Isang oras lang naman eh. Ito kasing si Jo hindi ako ginising eh! Ayan tuloy -.-

"Tol, audition tayo. Diba ngayon yung pa-audition ng RockStar?" rinig kong sabi nung lalaking dumaan sa harap ko.

"Oo nga pala ngayon yun. Tara!" sabi naman nung isa pa niyang kasamang lalaki.

Sumandal ako sa may pinto nitong room namin, dito ko na lang hihintayin si Jo.

"Teeeee!!!" sigaw ng isang babaeng tumigil sa tapat ko. Pero hindi ako yung tinawag niya. Di ko siya kilala.

"Teeeee!!!" sigaw naman ng isa pang babae mula sa malayo. Okay, mukhang sila ang magkausap.

Tuwang tuwang lumapit yung babaeng nasa malayo sa babaeng nasa tapat ko. Nagyakapan sila at nagbesohan. Aba! Dito pa nagharutan?!

Destined or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon