A/N: hi guys! Pasensya na kung ngayon lang na update ang story na ito. Masyado lang busy sa school. Sorry kung natagalan. And btw, baka matagalan ulit bago ako makapag update. Salamat sa mga nakapagbasa na nito. Sana subaybayan niyo rin. Thank you! Enjoy reading ;)
~~
Chelsie's POV
Natulala na lang ako habang nakabukas ang bibig ko. Namamalikmata na naman ba ako?
"Huy, Chelsie ba't natutulala ka dyan ha?"
He's playing the bass guitar. Kailan pa niya nahiligan ang tumugtog? Ang alam ko, hindi siya tumutugtog ng kahit anong instrument. Bass guitar pa kaya?
Psh! Bakit nga ba yun pa ang naiisip ko? Ang tanong, totoo ba 'tong nakikita ko.
*snap*
"Ano bang nangyayari sayo ha?" natauhan naman ako nang bumungad na sa mukha ko yung kamay ni Jo na pumipitik pitik pa.
"Jo, pakikurot nga ako" I told her.
Agad nga talaga niya akong kinurot, at masakit yun ah.
"Aray! Bakit mo ako kinurot?!" Inis kong sinabi
"Sabi mo kurutin kita. Teka nga, nandito tayo para mag enjoy hindi para tumunganga. Ano ba kasing ginagawa mo dito. Samahan mo ako doon oh" turo niya dun sa lugar niya kanina kung saan masikip at nagtatalunan ang iba.
Sandali, may ebidensya na ako!
Agad kong itinalikod si Jo at tinuro yung banda,
"Tignan mo! Nakikita mo ba kung sino ang nakikita ko?!" I said.
"Yung banda? Hindi ko naman sila kilala eh" sagot niya
"Psh! Hindi! Ayun tignan mo, yung nasa gilid, yung may hawak ng gitara"
"Ha? Saan? Hindi ko naman makita eh"
Tokwa! Bumalik na siya dun sa pwesto niya kanina. Bad timing, kung kailan naman may ebidensya na ako eh.
"Hindi mo ba nakita? Si GJ! Si GJ yun! Nandito siya!"
"Ha? Paano naman mangyayari yun?--"
Natigilan naman kami nang mawala ang ingay sa paligid at naging mahinahon na ang lahat.
"Good evening everyone! I would like to invite you tomorrow in the afternoon. May pa-audition po kami para sa bagong vocalist ng banda. Everyone is invited! Hope to see you guys at the function room at 2:00 pm. This is urgent so please sana makapunta kayo. And again, thank you for coming and enjoy the night" sabi nung vocalist ng banda. Pagkatapos ay bumaba na sila sa stage.
"Ay tapos na sila tumugtog?" Jo said. Mukhang nadismaya siya.
Nang makita kong nakababa na sila, agad kong hinila si Jo.
"Saan tayo pupunta?" Jo asked, "May susunod pang kakanta oh!" She said habang kinakaladkad ko siya.
Hindi ko siya sinasagot, hinahabol ko ng tingin kung saan papunta yung band members. I need to know kung siya nga talaga yung nakita ko. Para na rin may maipakita akong ebidensya kay Jo.
"Huy teka naman Chelsie! Dahan dahan! Ang bilis bilis mo naman eh" reklamo niya.
Nang makarating kami sa likod ng stage, mabuti na lamang at nandun pa yung chinito na lalaki. Siya yung vocalist ng banda. Pero wala na yung ibang band members.
Tokwa, ang bilis naman mawala nung mga yun!
Maya maya ay umalis na rin si chinito guy. Ako naman, sinundan ko siya ng palihim habang hila hila ko pa rin si Jo.
BINABASA MO ANG
Destined or Not?
Teen FictionThis story is the book 2 of "Yet Still I'm Falling". If you haven't read it yet, kindly read it first so that you'll understand the flow of this story, and know the past characters who will be here in the book 2. ~~ Destined or not? Bakit nga ba gan...