A/N: Hi guys! I hope you're enjoying the story :) Gusto ko lang ipaalam na mas mapapadalas na yung pag update ko ng bawat chapters since bakasyon na ;) Hindi naman yung sobrang dalas na everyday makakapag update ako, but I'll make sure na mas maaga ang update than before (except kung busy ako)
Sa nagtatanong kung magpapakita or lalabas pa si GJ dito sa book 2, well yes. Pero medyo matatagalan pa. Madami pang mangyayari so abang abang na lang :)
Again, gusto ko magpasalamat sa mga nagbabasa ng story ni Chelsie! Thank you so much guys! At sa mga magbabasa pa lang, thank you rin sa inyo :*
One favor please? Kindly leave comments every chapter na mababasa niyo please? Gusto ko malaman mga reactions niyo, and/or may suggestions kayo na pwede kong ilagay sa storyline ;) And kung naenjoy niyo chapter, magvote na rin kayo. Thank you! Enjoy reading!
Don't forget to leave comments and votes! Thankie!
--
AJ's POV
*knock knock*
Hmm, ano ba yan? Ang aga aga katok ng katok -___-
"Jae, Chelsie, gising na ba kayo dyan?" rinig kong boses ni ate Amanda yun.
Chelsie? Eh kagabi ko pa nahatid yun sa dorm nila, paanong mapupunta yun dito--
Sandali,
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Nasisilaw pa ko sa sikat ng araw.
Teka nga, bakit ba ang bigat ng pakiramdam ko? Parang may nakapatong sakin na kung anong bagay na ang bigat bigat.
"Ano ba hoy, papasok na ako" sigaw niya mula sa labas.
Bigla namang may gumalaw sa dibdib ko, t-teka, b-bakita nandito 'to?!
O__O
At yakap yakap ko pa talaga siya?
Shit.
"Ano ba yun, ang ingay naman eh" she said.
Mulat na mulat na ako, at nakikita kong natutulog siya sa dibdib ko, at nakayakap din siya sakin.
Umangat ang ulo niya at nabaling sakin, nakapikit pa rin siya, ang cute niya tignan. Hanggang sa...
"Ano ba gising na ba--"
Biglang bumukas ang pinto,
"Omaygad, I'm sorry, hindi ko sinasadya" gulat na gulat na sinabi ni ate Amanda.
Nakita ko namang dahang dahang minumulat ni Chelsie ang mga mata niya, then she saw me at tumingin din siya kay ate Amanda na parang wala lang sakanya kung anong posisyon namin ngayon.
"WAAAAHHHHH!!!!" sigaw ni Chelsie pagkatapos nahulog siya sa kabilang side ng kama.
"Uy, okay ka lang?" I said, sasaluhin ko dapat siya pero ang bilis ng pangyayari.
"Mukhang gising na rin naman kayo pareho, so... I'll go na. Bumaba na kayo, breakfast na" sabi ni ate Amanda pagkatapos sinara niya ang pinto at lumabas.
Bumangon na ako. Ang sakit ng ulo ko. Ano bang nangyari at hanggang nandito pa rin si Chelsie?
"Tumayo ka na dyan, bumaba na tayo, kakain na daw" I said.
"Baliw ka ba?! Nakita tayo ng ate mo na natutulog sa iisang kama, at, at--"
"At magkayakap pa?" pagpapatuloy ko sa gusto niyang sabihin, mukhang hindi niya kayang sabihin eh.
BINABASA MO ANG
Destined or Not?
Teen FictionThis story is the book 2 of "Yet Still I'm Falling". If you haven't read it yet, kindly read it first so that you'll understand the flow of this story, and know the past characters who will be here in the book 2. ~~ Destined or not? Bakit nga ba gan...