Chelsie's POV
"Teka Jo, seryoso ka ba talaga dyan sa naiisip mong gawin?!" sigaw ko sakanya.
"Oo nga! Halika na dali baka maubusan pa tayo ng mauupuan don eh" she said pagkatapos ay hinila niya ang braso ko.
Hinila ko naman siya pabalik, "Jo, baka nakakalimutan mong nandoon yung kutong lupang pugo na yun! Baka makita niya pa ako dun! Ayoko tara na balik na tayo sa room!"
Kasalukuyan lang naman kaming naghihilahan ng braso ni Jo ngayon.
Ewan ko ba kung ano ang naisipan nito at gustong pumunta doon sa libreng pa-concert sa function room ng RockStar eh. At oo sa function room lang! Ang lakas maka Araneta nung pa-concert!
"Ano ka ba! Hindi naman tayo uupo kung saan madali nila tayong makita. Syempre doon tayo sa pinakang dulo. Saka sayang din 'no! Libre yun walang bayad!" Hinatak niya ulit ang braso ko.
Magsasalita na sana ulit ako nang dumating yung ibang mga kaklase namin. Naabutan nila kaming naghihilahan dito.
"Oh, hindi pa ba kayo pupunta sa function room?" sabi nung isa naming kaklase. Kasama niya yung mga dabarkads niya.
"Nako itong si Chelsie kasi pa-pilit effect pa eh! Pero pupunta kami doon promise!" sagot ni Jo
Ilang saglit lang ay biglang bumulong yung isa niyang friends. Ewan ko kung ano yung sinabi niya. Hindi ko narinig eh.
Pagkatapos ng bulungan ay ngumiti siya kay Jo, "Ahh, gusto mo tulungan ka namin?"
Tulungan saan?
Napangiti naman ng pagkalawak lawak si Jo.
Teka, ano yun? Bakit parang wala akong alam sa nangyayari.
Bigla naman akong hinawakan nung mga dabarkads niya.
"Hoy teka sandali, anong ginagawa niyo sakin?!" sigaw ko
"Wala naman, sabay sabay lang naman tayong pupunta sa function room at manonood ng mini concert ng RockStar. Let's go girls!" Jo said.
At ayan na nga, sapilitan nila akong dinala papuntang function room. Hindj ako makapalag dahil masyadong mahigpit ang pagkakahawak nila sakin.
Jo naman utang na loob! Ayoko >_< Y U DO THIS TO ME?!
Ilang saglit lang ay nakarating kami sa labas ng function room. Nagpapasukan na yung ibang mga students. At lahat sila mukhang excited.
Tss, wala namang nakaka-excite dito 'no. Ang liit kaya ng venue!
"Pwede pakibitawan na ako? Bumabakat na yung mga palad niyo sa braso ko eh" sinamaan ko ng tingin yung dalawang humahawak sakin. Nasasaktan na rin kayo ako sa hawak nila sakin.
"Sige girls, okay na. Salamat!" Sabat naman ni Jo.
Kung hindi ko lang kaibigan itong si Jo, nasabunutan ko na 'to eh. -_-
Pumasok na kami sa loob ng room, sa may pinakang dulo kami umupo.
"Oh Chels, are you ready?" Jo asked
"Ready saan?"
"Hay, obviously dito sa magaganap!"
"Ewan" maikli kong sagot.
"Anong ewan? Ayaw mo ba nun? Makikita mo ulit siya?"
Parang hindi ko yata gusto tono ng boses mo Jo ah.
"Alam mo namang ayaw ko na siyang makita diba? Pagkatapos pilit mo pa akong dinala dito" nakasimagot kong sinabi sakanya.
"Chels," hinawakan ni Jo ang kamay ko, "We're here to enjoy. Wala tayong ibang gagawin kundi makinig at mag enjoy lang sa music nila. Pero kung ayaw mo talaga, then let's go. Hindi na kita pipilitin"
BINABASA MO ANG
Destined or Not?
Teen FictionThis story is the book 2 of "Yet Still I'm Falling". If you haven't read it yet, kindly read it first so that you'll understand the flow of this story, and know the past characters who will be here in the book 2. ~~ Destined or not? Bakit nga ba gan...