Chapter 37

10 0 0
                                    

Chelsie's POV

"Okay! Pack up na!" Sigaw ni Louie.

Kakatapos lang ng rehearsal namin ng banda. Nag rehearse lang kami ng ilang mga kanta. Actually five songs ang pinagpipilian naming tugtugin sa college days namin pero baka one to two songs lang ang makanta at matugtog namin dahil hindi lang naman ang banda namin ang na-invite na tumugtog sa event.

"Oh, alas siete na pala. Maaga pa, let's go out, foodtrip?" Pag aaya ni Mico.

Ayan na naman sila, mag aaya lumabas tapos dun na naman pupunta sa paborito nilang tambayan. Yung mausok at maingay nilang tambayan. In short, sa bar.

"You'll come with us" pagtukoy sakin ni Mico.

"Huh? Di ako pwede eh, may usapan kasi kami ng kaibigan ko. May pupuntahan rin kami ngayon" I said, which is true. May rampa kami ni Jo ngayon.

"Then good. Isama mo yung kaibigan mo samin para naman makilala din namin siya. Diba Jae?"

Tumango lang ito nang hindi manlang tumitingin samin dahil abala ito sa pag aayos ng gamit niya.

"Uhm, sige. Pero tatawagan ko muna ang kaibigan ko kung gusto niya sumama"

"Sure" sagot ni Mico.

Lumayo ako ng bahagya at tinawagan ko si Jo, at agad naman itong sumagot.

"Hello Jo"

"Ow, where na u? Dito na me" sabi ni Jo sa kabilang linya.

"Ang conyo ha! Saan mo natutunan yan? Anyway, hindi ako tumawag para tanungin yan. Nasaan ka ngayon?"

"Kakalabas ko lang sa room, medyo kakatapos lang din ng klase namin. Ano? Gora na ba tayis?"

Grabe, baklang bakla mga salitaan nito ni Jo. Kaya nahahawa na ako eh.

"Ah, ano kasi eh. Nagyaya yung banda, foodtrip daw. Eh syempre hindi pwedeng hindi ako kasama--"

"Ano?! Eh diba may lakad tayo ngayon?!"

As expected, hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko sumabat na siya.

"Oo, hindi ko naman nakakalimutan yun. Pero kasi hindi naman ako maka tanggi. Isa pa, gusto nilang isama kita. Gusto ka din daw nila makilala. So ano? Join ka?"

"Nako ah! Mga panira ng lakad yang mga yan! Pero sige, gogora ako with you pero gusto ko dun pa rin tayo sa dapat pupuntahan natin pupunta keri?"

Napaisip ako, mukhang hindi sa mga ganung klaseng lugar pumupunta ang mga loko. Paano kaya 'to.

"Uhm, try kong sabihin sakanila"

"Wag mong subukan, gawin mo te girl. Gusto ko makita si fafa lawrence ko dun! Miss ko na siya huhu. Kung ayaw nila wag kang sasama sakanila okay? Usapan yan! Sige na bbye, magkita na lang tayo sa lobby"

Binaba na ng bruha ang tawag. Hindi manlang ako pinasagot, kaloka.

Nang makapag ayos na ng gamit ang lahat, lumabas na kami sa function room.

"So saan tayo? Dating gawi?" Louie asked.

"Kayo bahala" maikling sagot ni AJ.

"Ahh, guys, pwedeng mag suggest?" Sabat ko habang naglalakad kami.

"Sige, ano yun?" tanong ni Mico.

"Okay lang ba kung ako ang mag suggest kung saan tayo pupunta?" nag aalangan kong tinanong. I'm not sure kung sasama sila sa lugar na gusto naming puntahan ni Jo, pero susubukan ko pa rin.

Destined or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon