Chelsie's POV
Parang kinakapos na yata ako ng hininga. Habang palapit ng palapit ang isang 'to mas lalo akong hindi makahinga.
BAKIT BA GANYAN KA TUMINGIN?! NAKAKALOKO NA AH!
Kinakabahan ako na ewan. Alam mo yung feeling ng para kang natatae pero hindi naman! Tapos nanlalamig pa yung mga kamay ko.
OMG ayan na siya >_<
Kumalma ka Chelsie! Kalma!"coz i love her with all that i am
and my voice shakes along with my hands..."Huminto siya sa paglalakad. Dito pa rin siya nakatingin. Bakit ba kasi?!
Teka, parang may naamoy akong hindi magandang mangyayari.
"cause it's frightening to be swimming in this strange sea
but i'd rather be here than on land
yes she's all that i see and she's all that i need
and i'm out of my league once again"After that line, tumalikod na ulit siya at saka bumalik sa unahan.
Sandali, para saan yun? Ano yun? Bakit ganun?
A-akala ko... Pero sakin siya naka--
Nag-a-assume na naman ba ako? Pero kasi eh!
Ano yun, pinakaba niya lang ako? Pinanerbyos? Para saan yun?!
Nagpalakpakan naman ang lahat,
"Thank you everyone. I hope nagustuhan niyo yung kinanta ko. By the way, gaya nga ng sinabi ko kanina may mga announcements kaming sasabihin sa inyo kaya kami nagkaroon ng isang maliit na show." King said.
Medyo kumalma na ako, nag-assume nga lang talaga siguro ako. F na F ko naman -.-
"First of all, again, thank you sa pagpunta niyo dito. Na-appreciate namin yung effort niyo sa pagpunta dito and pati na rin sa support although bago pa lang din kami dito sa university. Now, yung first announcement is, we the RockStar will no longer use RockStar as our band name."
Marami ang nagulat sa naging anunsyo ni King. Kahit ako nagulat din. Bakit? Magpapalit ba sila ng band name?
Pero sabagay, ang baduy din kasi ng pangalan ng banda nila.
"Napag-usapan namin na palitan ang pangalan ng banda for a change. We will use EVOL as our band name starting today. At kung bakit EVOL? Well malalaman niyo yan sa susunod kong sasabihin." ngumiti siya ng nakakaloko, yung ngiting parang nang aakit na ewan. "Kung napansin niyo, dalawang magkaibang kanta ang tinugtog at kinanta namin kanina. Yung first song, that will be the last time na tutugtog at kakanta kami ng ganung klaseng genre. At yung second song, isa yun sa mga pagbabago sa banda" he smiled, ang gwapo naman talaga oo. Pero mas gwapo si-- nothing -.-
So hindi na sila tutugtog ng mga makabasag tenga na kanta? Good for King! Sayang ang boses, mas bagay sakanya yung mga kantang katulad ng kinanta niya kanina.
"At yung pangatlo," medyo bumaba ang tono ng boses niya, "I will no longer be the vocalist of the band"
What?! Seryoso ba siya sa sinasabi niya?!
Napatingin ako sa ibang band members, yung dalawa sakanila parang nalungkot din sa sinabi ni King. Si GJ naman, nakatungo lang habang inii-strum yung hawak niyang gitara pero halata din sakanya na malungkot siya.
Natahimik ang lahat ng tao dito. Lahat kami nagtataka. Bakit? Bakit hindi na? Hindi na sila buo kung wala siya. Hindi na sila banda kung wala siya.
Para saan pa ba 'tong mga sinasabi niya kung mawawala siya sa banda?
"I'm quitting not because aalis ako o mawawala ako sa banda. Mahal ko ang bandang ito kaya hindi ko ito magagawang iwan. Meron lang akong mga bagay na dapat ihinto muna. But don't worry guys," ngumiti ulit siya "May papalit naman sakin eh"
BINABASA MO ANG
Destined or Not?
Teen FictionThis story is the book 2 of "Yet Still I'm Falling". If you haven't read it yet, kindly read it first so that you'll understand the flow of this story, and know the past characters who will be here in the book 2. ~~ Destined or not? Bakit nga ba gan...