Chapter 11

28 1 0
                                    

Chelsie's POV

Nasa byahe pa rin kami ngayon. Medyo malayo layo na rin yung naging takbo ng byahe namin. Tahimik lang kami dito sa sasakyan. Si King busy sa pagmamaneho, si Mico at Louie naman ayun nakatulog. Louie pala ang pangalan ni guy with the long hair. Kung tama ang pagkakaalala ko siya yung natapunan ko ng sago't gulaman noon. Naalala niya pa kaya yung ginawa ko sakanya noon? Sana hindi, baka bawian pa niya ako pag nagkataon eh.

Hanggang ngayon tulog pa rin yung isa, wala siyang kamalay malay na nandito yung binastos niya kanina.

Bwiset! Hanggang ngayon nanggigigil pa rin ako sa nangyari kanina.

Speaking of what happened...

"huh, baka naman nakipag-sex ka sakanya kaya gustong gusto ka ng kaibigan ko? Mahilig talaga sa ganyang klase ng babae si King. Gusto niya yung--"

Naalala ko bigla yung sinabi niya kanina. Hindi ko na yata pinatapos ang sinasabi ni pugo dahil nasampal ko na siya. Pero WTH, anong ibig niyang sabihin doon?!

Nakakairita pati yung paraan kung paano niya sinabi sakin yun. Grabe na talaga siya! Ang kapal ng mukha!

Pumasok naman sa isip ko yung biglang pagyakap sakin ni King,

"Thank you. Thank you so much. Don't worry hindi ka magsisisi sa naging desisyon mo. Salamat talaga"

Napalunok ako at napatakip sa dibdib ko.

"Okay ka lang?"

Tumingin ako sakanya sandali pero iniwas ko rin agad ang tingin ko, "H-ha? A-ah, o-oo" sagot ko.

Nginitian niya ako. Ako naman parang biglang kinabahan. Napapadalas na talaga 'tong kaba ko. Hindi naman ako umiinom ng kape.

"A-ahh, King, saan nga ulit tayo pupunta?" I asked.

"Sa tagaytay. Bakit?"

"Ahh, a-anong gagawin natin doon?"

"Hmm, I don't know. Tignan natin kapag nakarating na tayo doon. Don't worry, I'll make sure na mag e-enjoy ka doon" he said and then he gave me his killer smile.

Parang tumayo lahat ng mga balahibo ko sa katawan. Lalo tuloy akong napatakip sa katawan ko.

"Nilalamig ka ba? Masyado bang malakas yung aircon? Sandali, hihinaan ko"

Bakit ba kasi sumama pa ako sakanila? Baka kung ano pa gawin sakin ng mga 'to eh. Puro lalaki pa naman. Isa pa hindi ko pa sila gaanong kilala. Except kay GJ.

Hindi naman niya siguro ako pababayaan. Kahit papaano may pinagsamahan pa rin kami.

***

Nakarating kami ng tagaytay bandang 2:00 pm. At eto kami ngayon nagpapark na ng kotse.

Nang makapag park na kami, bumaba na ako ganun din si King. Pagbaba niya pumunta siya sa likuran para gisingin yung tatlo.

"We're here. Wake up" sabi niya habang ginigising sila.

Agad namang nagising si Mico at Louie. Yung isa naman tulog mantika.

"Gisingin mo nga yan. Ang hirap talagang gisingin niyan kahit kailan" sabi ni King kay Louie.

"May plastic ka ba dyan?" Louie asked.

Ano namang gagawin niya sa plastic?

"Wala eh, anong gagawin mo sa plastic?" sagot naman ni Mico

"Ah teka sandali" naglakad si Louie, sinundan lang namin siya ng tingin. Pumunta siya doon sa lalaking nagtitinda ng lobo. Bumili siya ng isa atsaka bumalik.

Destined or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon