Chapter 15

22 1 1
                                    

AJ's POV

Ang hirap niya talagang pakiusapan. Wala na akong ibang naisip kundi gawin 'to. Ang kulit, grabe.

Mabuti na lang dala ko kotse ni ate Amanda ngayon. At oo, pinayagan na nila ulit akong magdrive basta daw iingatan ko.

"Saan ba tayo pupunta? Ibaba mo nga ako!" sigaw niya.

Baka makababa? Nasa kalagitnaan na ako ng pagda-drive tapos ibaba kita? Hindi pwede.

"Ano ba!" Sigaw niya ulit.

Maya maya, bigla na lang niya akong ginulo sa pagda-drive ko,

"Huy! Ano ka ba. Mababangga tayo niyan eh" I said.

"Mabangga na kung mabangga! Ibaba mo ko dito!" Sagot niya, pilit niya pa rin akong ginugulo.

Oh juice colored! Bakit ba ganito 'tong babaeng 'to? Akala ko pa naman matino ang isang 'to.

Wala akong ibang nagawa kundi ihinto ang kotse. Yari na naman ako neto kay ate kapag nagasgasan ang kotse niya, lalo na pag nabangga.

Pumreno ako ng malakas.

"Oh ayan na, nakahinto na, okay! Ang kulit mo" sabi ko sakanya.

Hindi niya ako pinansin. Nagtatangka siyang lumabas sa kotse pero malas niya hindi siya makakalabas.

"Buksan mo 'to" she said.

Hindi ako umimik.

Bigla niya akong pinaghahampas, "Ano ba! Sinabi nang buksan mo eh! Ayaw mo ha!" at ayun na nga, tinadtad niya ko ng hampas.

Ang lupit ng isang 'to.

"Aray, aray. Sumosobra ka na ha. Masakit na-- aray"

"Hindi kita titigilan hanggat hindi mo ako pinapaalis dito! Buksan mo na 'to!"

Ba't ba siya sigaw ng sigaw? Baka isipin ng mga tao sa labas nagkakabugbugan na kami dito eh.

"Aray-- tama na" mukhang isang linggong mamamaga itong braso ko. Ang lupet ng mga hampas eh.

Bigla namang nag ring ang phone ko.

Timing na timing, tss.

Hinarang ko yung braso ko sa mga hampas niya para makuha ko yung phone ko.

Si King tumatawag.

"Kasama mo na ba?" bungad niya.

"Sino yan? Si King? Hoy King! Tigilan niyo na ako utang na loob! Hindi na ako babalik sa banda niyo kahit kailan kaya paalisin niyo na ko dito! Kidnapping 'tong ginagawa ng tropa mo sakin!"

Kitams. OA na siya mag-react ha. Kidnap agad?

"Obvious ba?" Sabi ko kay King.

"I'll talk to her"

Binigay ko naman agad ang phone ko sakanya, "Kausapin ka daw" I said.

Tinitigan niya ako ng masama, pero kinuha niya pa rin ang phone ko.

Hindi siya nagsasalita, hindi ko tuloy alam kung tungkol saan ang pinag-uusapan nilang dalawa.

Ilang saglit lang ay binigay na niya sakin ang phone ko. Hindi ko na siya tinanong hindi naman ako chismoso no.

"Bumalik tayo. Idaan mo ako sa beanleaf malapit sa school" she said.

"Mukha ba akong papayag sa gusto mo?" tatakasan lang ako ng isang 'to eh,

Destined or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon