Chelsie's POV
Sembreak na, tapos na rin ang unang semester. Sobrang daming nangyari sa semester na 'to, sa sobrang dami, mabuti na lang nakaya ko.
Huminga ako ng malalim.
Kakayanin ko, kailangan kong kayanin. Fighting!
Nag simula na akong mag asikaso para sa gig ko mamaya sa TVC. Kinuha ko sa tabi ng kama ko yung gitara at sinukbit sa likod ko.
Oo nga pala, may gitara na ako ngayon at medyo marunong na rin dahil nag aaral ako kung paano tumugtog. Kadalasan sa youtube lang ako nanunuod, minsan naman nag papaturo ako kay Mico pag napapadaan sila ni Louie dito sa dorm.
Ito yung gitara na nakita ko nung nagpunta kami sa mall ni AJ before para bumili ng guitar na gusto niya. Gustong gusto ko talaga itong gitara, kaya naman nagpapasalamat ako sa kung sino man ang naka iwan nito sa tapat ng room namin ni Jo.
Pinag tanong ko na rin ito sa mga kadorm namin baka kasi may naka iwan lang pero hindi daw sakanila yung guitar kaya kinuha ko na lang kaysa maitapon pa ito ng may ari ng dorm. Naisip ko rin before na baka si AJ ang nag iwan nito dito pero mukhang malabo. Bakit naman niya ako bibigyan ng gitara diba? Alam naman niyang hindi ako marunong tumugtog and for sure malaki ang galit niya sakin ngayon.
Hay, AJ. Nakaka miss ka rin pala talaga 'no? Hindi ko akalaing maiisip at mararamdaman ko 'to ngayon. Kainis.
Mag dusa ka! Ikaw nag taboy sakanya diba? Yan gusto mo diba?
Oo na, alam ko naman yun. Ginusto ko 'to. Ayokong maging mahina, para naman 'to sa ikakabuti naming lahat.
Nang okay na ang lahat, umalis na ako at baka ma-late pa ako. Sayang bonus tonight, kailangan ko pang mag sipag. Aja!
~~
Pag dating ko sa TVC, inayos ko na ang guitar ko at nag ready na rin para sa unang kantang aawitin ko.
"Oh Chelsie, bakit nandito ka pa? Akala ko may lakad ka ngayon?" nagulat ako sa biglang pag sulpot ng manager ng TVC.
"Po? Ako aalis?" pagtataka ko.
"Oo, ipinagpaalam ka na sakin ng mga kaibigan mo. One week ka raw mawawala, pumayag na rin ako kasi nakikita ko namang sobrang sipag mo. Halos araw araw ka ng nagtatrabaho dito, I think kailangan mo rin ng mahabang bakasyon para naman makapag libang libang ka at hindi puro trabaho ang iniisip mo" paliwanag ni manager.
Teka, ano daw? Hindi ko ma-gets, mga kaibigan? Sino?
"Chelsie!! Let's go na!! Hinihintay na tayo ng dagat!" kilala ko kung kanino ang boses na yun.
Nakita ko si Jo na may dalang back pack at may hawak na dalawang maleta. San pupunta ang babaeng to? Anong beach? Pumayag na ba ako?!
"Jo?! Ano to? Anong nangyayari? Anong beach? Bakit hindi ko yata to alam?!"
"Well, its a surprise" that voice is also familiar, wait, omg!
Lumingon ako kung saan nanggaling ang boses na yun at laking gulat ko nang makita siya.
OMG! He's back!
Napa tayo ako mula sa kinauupuan ko, nanlalaki talaga ang mga mata ko ngayon.
Bakit nandito siya? Kailan pa siya bumalik?
"King..." I whispered.
"Yes Chelsie, I'm back" naka ngisi niyang sinabi.
"Omayghad! King!!" sigaw ko sabay takbo palapit sakanya at niyakap siya
Maya maya ay sumunod na sumulpot si Mico at Louie. Kaya pala.
"Kailan ka pa bumalik? Bakit hindi ka nagpa sabi? Sana sinundo ka namin sa airport! Nung umalis ka hindi kita naabutan, ngayon namang naka balik ka na bigla bigla ka na lang nang gugulat!" I said habang niyayakap siya. Hindi naman siguro ako OA no, na-miss ko lang din talaga si King at naexcite din ako sa pagbabalik niya. Ang tagal kaya niyang nawala diba.
BINABASA MO ANG
Destined or Not?
Teen FictionThis story is the book 2 of "Yet Still I'm Falling". If you haven't read it yet, kindly read it first so that you'll understand the flow of this story, and know the past characters who will be here in the book 2. ~~ Destined or not? Bakit nga ba gan...