Chapter 35

13 0 0
                                    

AJ's POV

Pagkatapos kong kumain at mag pahangin sa labas, pumasok na rin ako sa loob ng bahay.

Tumila na rin ang ulan, mabuti naman.

Anong oras na ba? Bakit wala pa si tita at ate Amanda? Nakakapag taka na hanggang ngayon wala pa rin sila.

Pag pasok ko, naabutan ko si ate Bechay na kakalabas pa lang mula sa kwarto ko dala ang mga pinagkainan ni Chelsie.

"Kamusta siya ate? Tapos na siya kumain? Ininom naman po ba niya ang gamot niya?" sunud sunod kong tanong.

Napa ngiti naman si ate, bakit?

"Opo sir, ininom naman niya po ang gamot niya. Sa ngayon nagpapahinga na po ang girlfriend niyo" sabi niya na ngingiti ngiti pa sakin.

Anak ng, hindi ko siya girlfriend 'no. Wala akong girlfriend na stubborn.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni ate Bechay.

"Sige sir, sa kusina na po muna ako" paalam niya.

Tumango ako, "Kumain na rin po kayo" I said.

Nang maka alis si ate Bechay, pumunta ako sa tapat ng pinto ng kwarto ko. Naka sara pa ito, hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi. Gusto ko siyang kamustahin, gusto ko makita ko mismo kung anong lagay niya.

Bubuksan ko na sana ang pinto pero natigilan ako.

Wag na lang, nagpapahinga na siguro siya. Ayoko ng mang istorbo. Kailangan niya rin makapag pahinga ngayon.

Sumandal naman ako sa pader malapit sa pinto ng kwarto ko. Napa isip ako sa nangyari kanina sa drug store.

Hindi pa siguro ngayon ang tamang panahon para makapag usap ulit kami ni Alice.

Aaminin ko, nag alala ako sakanya nang sabihin niya ang nangyari sakanya. Pero parang may iba na. Hindi ko maintindihan kung bakit pero, hindi na ako ganun ka-worried kumapara noon.

Dati, magkaroon lang siya ng headache sobrang nag aalala na ako. Binibilihan ko siya ng gamot para maagapan agad, para na rin hindi na lumala pa. Ni padapuan nga siya sa langaw ayoko eh. Ganun ko siya ka gusto. Iniingatan ko siya sa paraang alam at kaya ko.

I like her for three damn years. But she's taking my efforts for granted. She's taking me for granted.

I'm tired already.

Pagod na ako, na ako na lang palagi yung iintindi sakanya.

Hindi naman siguro masama na gustuhin ko na ako naman ang alalahanin diba?

Sigh.

Tama na 'to. Napapraning na naman ako kakaisip.

Paalis na ako sa kinatatayuan ko nang biglang bumukas ang pinto.

"Nandyan ka pala/Gising ka pa?" sabay naming nasabi.

Umayos ako ng tayo, "bakit gising ka pa? Dapat nag papahinga ka na ah?" I said.

"A-ano, kukuha lang sana ako ng tubig nauuhaw kasi ako" sagot niya.

Tss, tubig lang pala.

"Pumasok ka na sa loob, ako na lang ang kukuha, dadalhin ko na lang sayo sa loob"

Tumango naman siya, pumasok siya sa loob ng kwarto at nagsara ng pinto.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papunta sa kusina.

Hay, hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa.

~~

Chelsie's POV

Destined or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon