AJ's POV
"San ba tayo?" I asked habang nagda-drive ako.
Oo ako ang nag drive, baka mapahamak pa 'tong kotse ni ate kapag iba nag drive eh.
Hindi naman sa wala akong tiwala sakanila, pero wala talaga.
"Dun pa rin sa dati" sagot ni Mico.
"Dun na naman Mics? Nakakasawa na dun eh. Pati mga chicks dun nakakasawa, iisa lang ng mukha eh" reklamo ni Louie.
"Wag ka nang magreklamo, dami mong satsat dyan. Itali mo nga yung buhok mo, mukha kang bading eh" pang-aasar ni Mico kay Louie.
"Ano ka ba Mics, asset kaya 'to!"
"Asset mo mukha mo huy!"
Nag-asaran na yung dalawa. Mamaya lang may isa na namang mapipikon dyan.
Napatingin naman ako sa salamin, ang tahimik nung isa himala.
Katabi ko si Mico, si Louie at Chelsie naman ang nasa likod.
"Chelsie, ayos naman 'tong buhok ko diba?" Tanong ni Louie sakanya.
"H-ha? Hmm, pwede na. Bagay naman sayo eh" she said.
"Tss, tumigil ka nga Louie. Pati si Chelsie dinadamay mo" natatawang sinabi ni Mico.
I saw her smiled.
Mabuti hindi siya naiilang samin? Siya lang nag iisang babae dito eh.
Wala ba siyang boyfriend? Kung kani-kanino na lang siya sumasama kahit di pa niya gaanong kilala. Kung ako boyfriend neto, hindi ko siya pasasamahin sa di naman niya gaanong kilala. Well, mabuti na lang hindi ako yung boyfriend niya. Wala din naman akong balak maging girlfriend siya 'no. Asa.
Ilang saglit lang ay nakarating din kami sa bar na palagi naming tinatambayan noon pa.
Pagpasok namin, pumunta na kagad kami sa pwesto namin. Suki na kasi kami sa bar na 'to, kilala na rin namin yung may ari kaya pagpupunta kami dito may naka reserved ng table samin.
Maaga pa naman pero ang dami na kaagad tao dito.
"Pst, libre mo diba?" sabi ko kay Louie.
"Ha? Ano? Hindi ko naririnig?"
Sakto lang naman yung lakas ng tugtog dito, ba't di niya ko marinig?
"Sabi ko, libre mo 'to diba?"
"Ha? Pakiulit, di ko talaga marinig eh!" natatawa niyang sinabi.
Pinagloloko na naman ako ng isang 'to eh, upakan ko na 'to.
Sinamaan ko siya ng tingin, at bago pa ko nagsalita nag react na siya.
"Biro lang, ito naman! Haha! Oo na libre na. Ngayon lang ha!" sigaw niya.
"Yun naman pala eh! Tawagin ang waiter madali!" Sigaw ko.
Nagkakasigawan na kami, palakas na ng palakas ang tugtog eh. Buti di nagagalit ang kapit-bahay?
Oo joke yun, tumawa kayo please.
Nagtaas lang ng kamay si Louie at ilang saglit lang ay may lumapit na samin para kuhain ang order namin.
"Same order, alam na yun ng bartender niyo. Sabihin mo lang pangalan ko. Louie pogi"
Nagyabang na naman amputs.
"Ikaw anong gusto mo? Order ka lang, ako na bahala" tanong ni Louie kay Chelsie.
"Wala, sige salamat na lang. Hindi din kasi ako umiinom eh" sagot niya.
BINABASA MO ANG
Destined or Not?
Teen FictionThis story is the book 2 of "Yet Still I'm Falling". If you haven't read it yet, kindly read it first so that you'll understand the flow of this story, and know the past characters who will be here in the book 2. ~~ Destined or not? Bakit nga ba gan...