Chapter 42

6 0 0
                                    

Chelsie's POV

"Hoy babae! Anong petsa na, hindi ka pa bumabangon dyan! May klase pa tayo oh, tulog ka pa rin ba?!" sigaw ni Jo.

Actually kanina pa ako gising, halos hindi nga ako naka tulog eh. Iniisip ko pa rin yung nangyari sa hotel. Dapat bang ikwento ko kay Jo lahat? Siguradong magagalit lang 'to sakin. Pero gusto kong magkwento, dahil baka kung sasarilinin ko lang ito baka mabaliw ako kakaisip.

Hindi ko na rin kasi maintindihan ang sarili ko. Hindi ko masagot yung mga tanong na tumatakbo sa isip ko. Kailangan ko ng makakausap at mag aadvice sakin ngayon at alam kong si Jo ang taong yun. Handa naman ako sa kung ano mang isesermon niya sakin eh. Bahala na.

"Jo, may sasabihin ako sayo"

"Oh, gising ka naman pala bumangon ka na dyan"

"May ikukwento ako"

"Maligo ka na at male-late na tayo"

Bumangon ako sa pagkakahiga, kainis naman 'to si Jo eh! "Seryoso ako Jo, may sasabihin ako"

Natigilan siya sa pagsusuklay, "Hmm, ano ba kasi yun?" pinagpatuloy na ulit niya ang pagsusuklay habang nakaharap sa salamin.

"I think I like him already"

"Oh tapos?"

Bakit ganyan lang ang reaksyon niya? Wala ba siyang violent na reaksyon na pwedeng ipakita at sabihin sakin?

"Sa tingin ko, uhm, ano— gusto ko na nga siya"

"Oh?"

"Jo naman eh! Seryoso ako! Gusto ko na nga siya! Wala ka manlang bang sasabihin na matino dyan?!"

"Sino ba kasi yung tinutukoy mo? Ikaw ha! May nagugustuhan ka na pala, hindi mo sinasabi sakin"

Napahawak na lang ako sa noo ko, mukhang hindi pa rin niya ako naiintindihan.

"Jo... sa tingin ko, gusto ko na si AJ"

"Oh, yun lang naman pala anong pinoproblema mo dyan— ANO?!! SI AJ?! GUSTO MO?!" napatayo siya bigla nang maintindihan na niya ng tuluyan.

Sinasabi ko na nga ba at ganyan ang magiging reaksyon niya.

Lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko, "DI NGA?! YUNG TOTOO?!" mukhang hindi pa rin siya makapaniwala.

Yumuko ako at napa tango na lang.

"SUSMARYOSEP KA CHELSIE! TOTOO NGA?!"

"Oo nga Jo, hindi ko alam kung bakit, paano, at kailan. Pero kasi pakiramdam ko gusto ko na siya eh. Pinigilan ko promise! Pinigilan ko kahit alam ko sa sarili ko na nahuhulog na ako. Pero kasi— hindi ko na yata mapipigilan pa"

Naiiyak na naman ako, natatakot ako, hindi dahil sa isesermon niya sakin, natatakot ako kasi alam kong mali, alam kong hindi pwede.

"Chels, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Pero sigurado ka ba talaga sa nararamdaman mo?"

Tumango lang ako. Humawak ako sa dibdib ko, "Ito kasi Jo eh, papansin 'tong puso ko bigla bigla na lang tumitibok ng malakas, kinakabahan pag nakikita siya, nakukuryente pag hawak siya, at nasasaktan ng dahil sakanya"

"WAAAAHHHHH CHELSIE ANG CORNY MO! KAILAN KA PA NAGING CORNY?!!"

"Jo naman eeeeehh! Hindi ako nakikipag biruan, seryoso ako"

"Chels, ipinapaalala ko lang sayo na kapatid siya ng ex mo. Take note, kapatid at kakambal pa niya"

"Alam ko naman yun Jo" kumuha ako ng unan at ibinaon ang ulo ko dito. "Pero wala eh, naramdaman ko na lang bigla"

Destined or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon