Chapter 17

23 1 0
                                    

Chelsie's POV

"Hoooooh! Kaya mo 'to. Kakayanin! Fighting!" Sabi ko sa sarili ko.

"Hindi ka naman masyadong excited eh 'no?" sabi ni Jo.

Kakalabas lang namin ng room at kakatapos lang din ng last subject namin.

"Masyado pang maaga para pumunta ka dun ah? Diba sabi mo 5:00 pm pa? Eh 4:15 pm pa lang oh"

"Better early than late. Syempre papa-good shot muna ako sakanila" I answered.

Itong si Jo sobrang labo. Hindi naman siya ganyan dati eh, napaka-supportive niya pa nga nung kami pa ni GJ.

Well, nagbabago nga talaga ang tao. And one thing, hindi na rin naman kami.

"Ano sasamahan mo ba ako sa practice namin?" I asked.

"Hindi na, mas gugustuhin ko na lang umuwi. Isa pa, madami akong kailangan gawin tonight. Ikaw na lang, ingat" she said pagkatapos tinalikuran ako.

Ang bitter nitong si Jo. Kulang sa pagmamahal eh, HAHAHA.

Papunta na ako sa function room. Since maaga pa naman, siguradong wala pa sila dun.

Maaga talaga ako pupunta para naman wala silang masabing masama sakin. Lalong lalo na si AJ. Yung salbaheng yun! Huh, sana maging maayos ang lahat today.

Pagdating ko sa function room, napansin kong tahimik mukhang wala pang tao.

I was about to open the door, yung pintuan sa likuran, nang may narinig ako sa loob ng room. Hindi ako sigurado pero parang may tao.

Idinikit ko yung tenga ko sa pintuan, may naririnig ako. May tao sa loob, may kumakanta? Sino?

Binuksan ko ng bahagya yung pintuan, sumilip ako. May lalaking nakaupo, may hawak na gitara tapos kumakanta siya. Since nakatalikod siya hindi ko siya mamukhaan.

Shet, ang kantang yan. Bakit yan pa?

"In a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round"

Shemay naman oo! Sa dinami dami ng pwedeng kantahin bakit yan pa?

Pero in fairness may quality ang voice niya ha! Ang husky, ang sarap pakinggan.

"But don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song."

Naaalala ko na naman.

"Videoke room..." bulong ko sa sarili ko.

Natawa ako. Ang praning ko pala talaga noon. Nakakahiya, shemay.

Sa sobrang praning ko nun hindi ko na naisip na wala naman talaga sa mall na yun ang 'room' na nasa isip ko. Minsan talaga nagiging berde 'tong isip ko eh.

"Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way"

I remember kinanta niya sakin yan noon nung nakahanap na kami ng videoke room. Kinikilig kilig pa ko. Yun din yung araw na sinagot ko siya. That perfect moment for a perfect day.

My gosh! Bakit ba ako nagre-reminisce dito?! Juice colored! Masama na 'to!

"Sino yan?" Biglang nagsalita yung lalaki sa loob, nagulat ako.

Wala manlang pasabi aba!

Ay wait, ang boses na yun pamilyar.

Bigla siyang humarap, nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. S-si AJ.

Destined or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon