Chapter 26
Nalimog ang mata ko sa sinabi niya, mabilis kong itinuloy ang paglalakad. Iyon ba agad ang naisip niya nang makita ang regalo ko ngayon? Wala naman iyong kinalaman sa dati kong regalo sa kanya.
Hinawakan ko ang dalawang pisngi, pakiramdam ko sobrang init na! Pinaalala niya pa kung ano iyong niregalo ko dati noong birthday niya!
Pero bigla akong napahinto, paano niya nakuha iyon? Pinabalikan niya ba sa yate? Nawala na ang regalo noon sa isip ko dahil sa aksidente. Iniwan ko iyon doon, wala na rin siyang malay noon. Paano niya nakuha? Naalala niya ba? Pinakuha niya? O, naitago ng mga staff?
Bahala na, tapos naman na iyon. Ayoko ng maalala.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok, may mga i-rerevise pa kasi ako. Ipapasa ko na 'to kay Caden, for approval. Para maituloy ko na ang mga gagawin pa.
Nagulat pa sila Gaven nang maabutan akong busy na sa harap ng desk.
"Hi!" bati ko, matapos ay ibinalik rin ang mata sa screen.
"Aga mo ah, mag-eight pa lang." aniya.
"May inaayos lang,"
Nagsunuran na rin ang datingan nila Mira, ang pinakahuling lumabas sa elevator ay si Caden. Tumaas ang kilay ko, akala ko ba lagi siyang maaga? Medyo late siya ngayon?
Tinapos ko na ang pagrerevise, at nagprint na rin ng hard copies. Nang mai-bind ko na ito sa folder, pumunta na ako sa office ni Caden. Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto.
I saw him busy on his laptop, parang may minamadali.Ah, wrong timing ata ako?
Sa busy niya ay hindi niya na napansin ang pagpasok ko. I walked slowly towards him, I tried to make noise para makuha ang atensyon niya.
Tumikhim ako.
He finally looked at me with his brows shot up. Nakasuot ito ng malaking eyeglasses niya, with his usual black suit. Pati ang buhok nito ang magulo pa, ngunit imbis na magmukha siyang wala sa ayos. Mas dumagdag lang iyon sa lakas ng dating niyang tignan, the sudden add up of roughness in him made him look more attractive.
"Updates." ani ko. Ipinatong ko ang makapal na folder sa mesa niya.
Akala ko sasang ayon lang siya at mamaya na bubuksan, pero iniwan niya ang laptop niya para kunin iyon at basahin.
Nabalot kami ng katahimikan, ayoko naman siyang kausapin dahil nagfo-focus siya sa pagbabasa. Kumpara sa dati, mas bawas na ang kaba ko, siguro ay nakikita ko rin ang improvement ko at pinerfect ko talaga ang pinasa ko.
Makalipas ang ilang minuto isinara niya na ito, he licked his lips as he tries to think. The anticipation I felt raised up.
"I like the flow, continue with this." he said in his deep-toned voice. Napangiti ako.
"Sige! Thank you!" kinuha ko na ang folder sa kamay niya.
Tumango lamang ito sa akin, mukhang busy talaga siya. Now I am contemplating if I should bring it up today, or sa susunod na lang?
"Ano'ng iniisip mo?" pukaw niya sa akin, nabalik tuloy ang atensyon ko sa kanya.
I bit my lower lip and hugged the folder I am holding,
"A-About what you said last night, hindi mo na kailangan sumulat pabalik. M-Matagal na iyon!" utal-utal kong sabi, "Iyon lang. Sige!"
Hindi ko na siya pinaantay na magsalita ulit, tumalikod na ako at naglakad pa palabas ng office. Nakahinga ako ng maluwag nang maisara ko ang pinto niya, tss, nakakahiya talaga.
BINABASA MO ANG
Under the Stars (Tonjuarez Series I)
RomanceAyara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the person she avoided the most. Because of their past, and the trauma it brought her, the only defense m...