Chapter 6
Ngayon na ang simula ng bakasyon at dahil wala ng pasok ay wala na rin akong ibang magawa. Kung kailan bakasyon at doon naman ako maagang nagising at naligo. Nakasanayan na siguro. Huminga ako sa kama at tumitig sa kisame.
Biglang tumunog ang cellphone ko, I lazily grabbed it.
Caden:
Bored?
Paano niya nalaman ang nasa isip ko? Nakakabasa ba siya ng isip?
Yara:
Hindi ah.
Syempre tatanggi ako, hindi ako aamin na wala akong magawa sa bakasyon ko. Ang mga kaibigan ko, nagpeprepare para sa mga out of town nila. Tapos ako ay walang plano ni lumabas ng mall ay hindi ko naisip.
Caden:
Kaya ang bilis mong magreply?
Tsk, medyo naniniwala na akong matalino nga 'to.
Yara:
Chat ka ng chat, baka ikaw ang walang magawa.
Caden:
May gagawin ako.
Pake ko?
Yara:
?????
Caden:
May susunduin ako.
Huh? Halos matapon ko ang cellphone nang bigla itong nagring. Tumatawag si Caden. Kumabog ang dibdib ko, tumikhim ako bago ito sinagot.
"Bakit?" bungad ko.
"I'm outside." Lalong kumabog ang puso ko, parang alam ko na ang mga mangyayari.
"B-Bakit?"
"Aalis tayo."
Napabangon ako ng wala sa oras, agad akong umalis ng kama. "You're kidding." Hindi makapaniwala kong sabi.
"Palalabasin ba kita kung nagbibiro lang ako? Lumabas ka na, mauubos oras natin."
Wala sa sarili akong naglakad sa table para kunin ang sling bag na lagi kong ginagamit.
"S-Sandali, magbibihis lang ako. Nang bibigla ka kasi e."
"Five minutes—-" Pinatay ko na ang tawag.
Patakbo akong pumasok sa walk in closet. Kumuha lang ako ng fitted jeans at white shirt. Ipinusod ko lang ang buhok at hinayaang malaglag ang humaba ko na bang sa gilid. White shoes lang rin ang sinuot ko para malinis tignan, mabuti nalang at nakaligo na nga ako kanina.
Para naman akong naghanda sa lakad na'to, parang prepared talaga ako. Kinuha ko na ang bag at ang cellphone tsaka tumakbo palabas ng kwarto.
Naabutan ko itong nasa labas ng gate, nakasandal siya sa sasakyan niya. Kahit ang init at pwede namang sa loob nalang mag-antay. Hindi niya na pinasok ang sasakyan, balak niya lang talagang daanan ako.
He is also wearing a white shirt na may classic logo design ng designer brand, black jeans and a black designer shoes. Nakashades pa nga ang loko.
Hinihingal akong lumapit sa kanya, tumakbo ba naman ako palabas ng bahay. Maikli pa naman ang pasensya nito at baka bigla nalang magbago ang isip.
BINABASA MO ANG
Under the Stars (Tonjuarez Series I)
RomansaAyara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the person she avoided the most. Because of their past, and the trauma it brought her, the only defense m...