Chapter 48
Napatakip si Gabi ng bibig, ang isang kamay niya ang humawak sa gilid ng upuan. "Woah! Woah! Kasal at ikakasal na kayong lahat! Ang unfair!" reklamo niya, natawa ako nang maalalang wala nga pala siyang boyfriend.
"Pero congrats! Isang batang hamog na naman dati ang matatali na! Itali mo ng mabuti si Kalel ha!" habol niya.
Natawa ako. "Akong bahala sa kanya, dahil pag hindi siya nagtino baka magbago ang isip ko." sagot ni Hannah, I looked at her amazed.
I hope Kalel can handle her crazy volume forever.
I went home around 10:00 pm, I texted Caden earlier that I'll be late, and I am with Hannah and Gabi. That he can sleep and doesn't have to wait for me, pagpasok ko ng kwarto ang naabutan ko itong nakaupo sa gilid ng kama habang may tinatype sa laptop.
"Hi!" bati ko, naglakad ako papalapit sa kanya. Mabilis niya binaling at atensyon sa akin at inilagay ang laptop sa gilid niya.
I hugged him, he pulled me closer and made me sit on his lap. He's done showeriing, he is now in his white sando and gray shorts, his hair is still damp.
"How's your date with your friends?" tanong niya, ang braso ko ay nakapalupot pa rin sa leeg nito, ang mga kamay niya ay nasa aking bewang.
"Hannah's getting married!" masaya kong balita, tumango-tango ito at parang hindi na nagulat. Kumunot ang noo ko, pero binawi ko rin dahil malamang nauna nang sinabi sa kanya ni Kalel.
"Yeah... with Kalel." he answered in his raspy voice.
I pouted. "You knew."
"Of course, I am the one he asked how he would propose. I helped him." he said, he brushed the tip of his nose on my cheeks.
My eyes wander around the room. "Kaya pala... by the way may sinabi sa akin kanina si Mommy..." pag-iiba ko ng usapan.
Natigilan siya at nilingon ako, "Ano?" usisa niya, inayos ko ang upo at hinarap siyang mabuti.
"The Momento... why did you put it under my name?" masuyong kong tanong, pumungay ang mata nito ngunit iniiwas sa akin.
"I just wanted to." sagot niya, nanliit ang mata ko.
"Paano kung hindi talaga tayo nagkabalikan? Ano'ng gagawin mo? Paano kung agawin ko 'yon?"
He simply fixed my hair from my face and put it in the back of my ear. "It's okay... it was yours by the way." bulong niya, bago ako tinitigan.
Napa kurap-kurap ako. "Oo nga, kasi nilagay mo na sa pangalan ko."
Umiling ito. "No... I mean the Momento Magazine, that was inspired by you... It was built because of you. The magazine exists because of you..."
Parang tumigil ang lahat-lahat sa akin, biglang tumambol ang puso ko. Para akong nalulusaw dahil sa narinig at sa paraan ng titig niya. Biglang uminit ang mata ko.
"W-Why?" kabado kong tanong.
"Remember when I enjoyed taking pictures of you? I wanted the world to see it too. I started the company, hoping that someday... it will feature you. You were the standard Yara... The Momento Magazine was inspired by your beauty, and I wanted the world to witness it."
I started working again. After weeks of resting I already felt eager to work and go back to the real world. I wanted to go back, and do my passion. So after my leave, I quickly get back to working.
And now that I am busy again, with the preparations and productions here in J Prime I felt the tension rising again. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng stress, at medyo hindi na ako sanay kaya nag-aadjust pa ako. Panay ang buntong hininga ko, habang chinecheck ang screening para sa isang movie na isa ako sa nagsulat.
BINABASA MO ANG
Under the Stars (Tonjuarez Series I)
RomanceAyara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the person she avoided the most. Because of their past, and the trauma it brought her, the only defense m...