UTS 4

4.6K 105 12
                                    

Chapter 4

"H-Ha?" I muttered nervously.

Hindi na ako nito sinagot, he changed the gear at umandar na ang sasakyan. Our ride was just quick. I didn't expect na sa J Prime kami pupunta. Magtatrabaho pa ba siya ng ganitong oras? Pasado ala-syete na ng gabi. Wala na rin halos tao sa company.

Umakyat kami sa rooftop, I just followed him. Umupo ito sa isang mababang mesa, tambayan ata rito sa taas, tumabi ako sa kanya. I looked up at the sky, hindi ko mapigilan ang namangha ang daming bituin. I can even hear airplanes, baka ang mga mababa na pa-take off palang.

"May gagawin ka pa ba rito?" tanong ko dahil wala ata siyang plano magsalita. Nakatukod ang dalawang kamay nito sa may bandang likod niya.

"Wala,"

Kumunot ang noo ko. "Ano palang ginagawa natin dito?"

"Kailangan ba may dahilan para pumunta ako rito?"

"Ikaw 'yon, e ako, hindi ako pwede pumasok dito basta-basta." paliwanag ko sa kanya.

"Kasama naman kita, kaya pwede ka pumasok."

I rolled my eyes. "Ano ngang purpose bakit tayo nandito?" ulit ko sa kanya, he looked up at the sky.

"I want a breather, ang ingay sa laro kanina." he calmly said, napatango ako.

"Nastress ka ba sa laro kanina?" wala sa sarili kong tanong, I feel like I am becoming more comfortable with him. I usually don't let myself go when I am talking to someone.

Palaging kailangan iniisip muna ang sasabihin. Because they might not like what I will say or misunderstand me.

He side eyed me. "Medyo." may halong sama ng loob iyon, kumunot ang noo ko.

"Bakit? Maayos naman laro mo kanina at nanalo kayo." hindi niya ako sinagot. "Nanood ako." habol ko dahil baka akala niya hindi talaga ako nanuod?

Nakuha ko ang atensyon niya ng huli kong sinabi.

"Alam ko, hindi ba manood ka dahil sa akin?" prenteng sagot nito, napaharap ako sa kanya at nanlaki ang mata ko. Parang biglang namula ang pisngi ko, bakit para niya akong nahuli?

I cannot defend myself, it is somewhat true. Pero bakit nga ba ako nanood?

"A-Ang kapal mo naman!" hindi makapaniwala kong saad. Tinaasan niya ako ng kilay, ngayon ang buong atensyon niya ay nasa akin na.

"Talaga? Sino pala ang dahilan ba't ka nanuod? Si Amiel?" pang aakusa niya, lalong nagsalubong ang kilay ko.

"P-Para sa inyong lahat!" hindi na talaga ako nag-iisip sa mga sinasagot ko.

"Tss."

Totoo naman? 'Di ba? Para rin sa mga kaibigan ko?

"Still, I made you watch the game." he mockingly laughed. "You did not even congratulate me," dugtong nito, ngayon bakas na ang sama ng loob.

Natakpan ko ang bibig sa gulat. Oo nga!

"I was supposed to text you!"

He looked offended in what I said. "Text? Nandoon ka sa laro. I was the person who persuaded you to come. Pero itetext mo lang ako?" hindi makapaniwala siyang sabi. He even tilted his head while looking at me, like he is ready to maneuver a debate.

"L-Lalapitan dapat kita..."

"Pero na-busy ka kanila Amiel?" singgit niya. Why is he dragging Amiel into this?

"Pero may kayakapan kang babae..." tuloy ko. Natigilan ito.

"Huh? Sino?" he looked so confused. O, come on. Imposibleng hindi mo matandaan!

Under the Stars (Tonjuarez Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon