Chapter 28
Hindi ko alam paano ako nakawala sa kanya, ni hindi ko maalala saan pa ako humugot ng lakas para itulak siya at tumakbo. Wala akong ibang naisip noon kung hindi ang tumakas at makaalis sa kanya. At sa kabutihang palad hinayaan niya akong makaalis. Alam ko kung gusto niya madali naman niya akong bawiin o hilahin, pero hinayaan niya na akong makaalis.
Mabilis kong hinanap ang sasakyan ko at pumasok sa loob, nilock ko ang mga pinto dahil baka magbago pa ang isip niya. I touched my chest. I can feel my heart raging crazily because of what happened.
Niloloko lang ba niya ako? Pero mukha siyang seryoso kanina, at sa lahat ng mga sinabi niya mukha talagang kapani-paniwala. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi at tinampal iyon ng bahagya, baka nananaginip lang ako o nag-iilusyon.
Gusto ako ni Caden?
Mahal niya daw ako?!
That would be the last thing I will expect from him to say. He just confessed right?!
Kailangan ko ba siyang sagutin?
Lalong kumabog ang puso ko. Pinagpawisan ako ng malamig dahil sa naisip. Hindi pa nga ako tuluyang nakakaamin sa sarili ko, inunahan niya na ako. At kailangan ko rin umamin sa kanya?
Halos sabunutan ko ang sarili at iniumpog ang ulo sa manibela ang dami ko ng iniisip dumagdag nanaman siya!
Umuwi na ako agad. Ang pinaka gusto ko sa gabing iyon ay makaalis kung nasaan siya, pakiramdam ko kapag nasa paligid ko siya hihigupin niya na naman lahat ng lakas ko at kung ano nanaman ang maisip niyang sabihin.
Nagtext na lang ako kay Leonix na may nangyari at kailangan ko ng umuwi. I feel so sorry for him lagi nalang siyang nasasabotahe ni Caden.
Iniwan ko siya sa kagustuhan kong makatakas kay Caden, kaya hindi ko alam saan pa ako humuhugot ng lakas ngayon na nasa harap ko na ulit siya. Huminga ako ng malalim at inilapag ang makapal na folder sa mesa niya.
Kahit ayokong pumasok, gusto ko siyang iwasan at layuan. Hindi dahil sa ayaw ko siya, o natatakot ako sa kanya. Hindi ko lang talaga alam paano siya haharapin, ng wala pa akong maisasagot sa lahat ng sinabi niya. Gusto ko pang pag-isipan ang lahat ng mabuti, hindi ako natatakot sa kanya, natatakot ako sa sarili ko at sa nararamdaman ko.
Nagtama ang mata namin, parang nagkukusa na ang katawan ko magreact at bigla nalang uminit ang aking pisngi. Hindi ba dapat, siya ang nahihiya? Bakit ako yung namumula?
Kinagat ko ang pang ibabang labi at umiwas ng tingin, nakita ko ang pagsilay ng ngisi sa mukha nito.
I made quick glances at him, he looks different today. His black hair was cleanly slayed back in a brushed-up style. Leaving a bit of bangs on his forehead, he is wearing a dark gray suit, and I don't know, did he change his perfume? Stronger and more manly?
Idagdag pa ang ngisi sa mukha nito, ang mga mata na parang hinihila lahat ng natitira kong lakas.
Kinuha niya ang folder at binuklat iyon,
"Final revision." panimula ko, kaya ko pa naman magsalita.
"Hmmm." masinsinan niya iyong binasa, habang patagal ng tagal para akong hinihigop sa kinatatayuan ko.
Pwede bang balikan ko nalang pagtapos na siya? Just the thought of me being with him in the same room alone makes me feel suffocated.
"Send me the final output in friday." inaabot niya na muli ang folder sa akin, tumikhim ako dahil kailangan kong lumapit para kunin iyon.
"Okay."
Mabilis ko iyong hinablot at tumalikod na, nagsimula na akong maglalakad nang tawagin niya ako muli. Halos tumalon ang puso ko.
BINABASA MO ANG
Under the Stars (Tonjuarez Series I)
RomanceAyara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the person she avoided the most. Because of their past, and the trauma it brought her, the only defense m...