Chapter 29
Hindi ko alam ang isasagot sa mga sinabi niya, parang kumirot ang puso ko sa biglaan niyang pag amin. Sinama niya ako dito para makita kong nagtatrabaho lang siya? Ayaw niyang mag-isip ako?
Bakit? Wala naman siyang pananagutan sa akin. Wala siyang kailangan patunayan.
"I didn't know, sorry..." iyon lamang ang nasagot ko.
Lagi na lang siyang may nilalapag sa mukha ko, mga ginagawa niya na hindi ko alam na para sa akin pala.
His brows shot up as his lips pursed into thin line.
"Let's go." malamig niyang turan at hinila na ang kamay ko.
"Tapos na meeting niyo? O, babalik pa tayo roon?" tanong ko habang nagpapahila sa kanya.
"Tapos na, aalis na tayo."
Napahinto ako dahil doon, agad-agad? Gusto ko pa sana libutin itong kompanya niya.
Huminto rin siya at napatingin sa akin.
"Sayang naman, gusto ko pa sanang makita ang mga facilities dito." ani ko.
"We can come again tomorrow, pupunta muna tayo ng J Prime ngayon."
Bumuntong hininga ako at tumango, baka may aasikasuhin pa siya roon.
Hindi niya binitawan ang kamay ko kahit nasa loob na kami ng elevator, hindi ko tuloy alam kung babawiin ko ba iyon.
Mukhang wala na siya sa mood, at baka lalo lang siyang mabadtrip kapag binawi ko pa.
Iniisip ko lang, ang magiging reaksyon ng mga empleyado niya pag nakitang hawak niya ang kamay ko.
"Nandoon ba si Cian?" bigla kong tanong, nilingon ako nito pero sandali lang.
"Yeah... excited to see him?" ang tono ng boses nito ay may halo paring pagkainis.
Iniisip niya pa rin bang gusto ko pa si Cian? Hindi talaga siya maka move on.
"Natanong ko lang, wala kasi siya rito. Kaya baka nasa J Prime nga." sagot ko.
"He's doing some projects there, but he also visits here to supervise." paliwanag niya, tumango-tango naman ako.
Pag labas namin ng elevator ay sinalubong ulit kami noong Albie, pag lapit niya ay bumaba agad ang mata niya sa kamay namin ni Caden.
Uminit tuloy ang pisngi ko at umiwas ng tingin.
"The car is ready, Sir." saad nito, bakas ang pagtatanong sa mukha niya. Ngunit hindi rin siya naglakas ng loob magsalita pa.
"Alright,"
Hinila na muli ako ni Caden palabas ng lobby, wala na rin ang mga media kanina. Baka si Syntia ang inaantay nila, at nakaalis na siguro.
Mabilis lang ang byahe namin, parang ilang blocks lang ang layo ng building dito ng J Prime.
Mas mataas lang iyon ng kaunti, at mas malaki kumpara sa company ni Caden. The design is like the copy paste of the branch in the Philippines.
"I have an office here, you can wait there." saad niya sa akin nang makapasok kami.
Binitawan niya na rin ang kamay ko kanina, mabuti naman. Ayokong maissue, pero ayoko rin na magtampo itong isa.
"May trabaho ka pa ba rito?"
"Just need to take care of some things."
Nakarating na kami sa 40th floor, hindi na ako nagulat sa interior dahil ganito rin naman ang nasa Pilipinas. Ang vibes lang siguro ng ibang bansa ang pinagkaiba.
BINABASA MO ANG
Under the Stars (Tonjuarez Series I)
RomanceAyara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the person she avoided the most. Because of their past, and the trauma it brought her, the only defense m...