Chapter 42
Inilapag ko ang maleta sa nang makapasok ako ng living room, mabilis naman akong nilapitan ng mga kasambahay para tulungan ako. I just came from a long trip, nag-shoot ulit kami ng movie at sa Palawan iyon. Isang buwan ako roon, tuloy-tuloy lang ang trabaho ko at walang uwian.
Kaya kauuwi ko lang talaga ngayong araw, I can still even feel the sleepless nights and how tiring the filming was. Idagdag pa ang back ache ko, sa haba ng byahe pauwi.
"Kamusta, Ma'am?" tanong sa akin ni Manang Rosa, bumuntong hininga na lang ako bago maglakad.
Kinuha niya na ang maleta ko para iakyat sa taas. "Kapagod lang Manang, pero ayos lang po." sagot ko. Nginitian niya ako.
"May nakahain na pong pagkain Ma'am, kain na po kayo. Andito nga po pala sila Ma'am Matilda. Inaantay po kayo." aniya, tumango na langa ko sa kanya bago dumiretso sa dining.
Bago pa ako tuluyang makapasok ay nasalubong ko na itong papalabas, para siyang nakakita ng multo nang makita ako.
Kumunot ang noo ko dahil sa inakto niya. "Mom," tawag ko.
"H-Hija... nakarating ka na pala." she kissed my cheeks.
"May problema po ba?" pag-aalala ko.
Last time I checked wala namang problema sa akin, some of the Rononua securities accommodate me in Palawan. I was safe, so I think hindi ako ang problema.
"N-None! Wala anak, inaantay lang talaga kitang makauwi." hinila niya na ako para umupo at kumain. Pero hindi nawala ang hinala ko, kaya tinignan ko siya.
"Just tell me Mom," saad ko, dahil halatang hindi siya mapakali.
"K-Kain ka muna, alam kong pagod ka."
Mas lalo lang akong nag-aalala sa inaakto niya, may nangyari ba?
"I'm not hungry, kumain ako sa flight. Isa pa, wala akong gana kumain pagpagod. Just tell me Mom, para makapagpahinga ako ng maayos." pilit ko sa kanya, bumagsak ang balikat nito at yumuko. "What's wrong?" ulit ko pa.
"Caden has fully recovered." malalam niyang turan, my heart skipped a bit. Magaling na siya? Hindi ba dapat masaya?
"F-Fully recovered, as in he can work already?" paninigurado ko, tumingin ito sa akin at tumango. Mas lalong kumunot ang noo ko.
"We should celebrate then! Kailan siya uuwi? Did he contact you Mom? Kasi wala sa akin—"
"Last month pa siya okay Yara, and it was all over the news." putol nito sa akin, nagitilan ako. Wala akong naiintindihan.
"Wait, what? Last month? Bakit hindi ko alam? Walang nagsabi?" halos tataas na ang boses ko, unti-unti ko nang naiintindihan bakit ganito ang inaasta ni Mommy.
Nagsisimula nang umakyat ang dugo sa ulo ko, this is pissing me off. "No one contacted me?!" ulit ko pa.
"Anak, y-you're busy with work at ayaw ka naming—-"
"It's Caden we are talking about! He is my boyfriend but no one dared to tell me that he's well now?!" tuluyan nang tumaas ang boses ko, sinusubukan ko talaga wag sumigaw. Pero naglalaban na ang galit at pasensya sa akin.
"Yara, calm down..."
"Paano ako kakalma? Wala akong balita sa kanya sa loob ng tatlong taon! Ni hindi ko siya nakausap ni minsan! Tiniis ko iyon kasi 'yon ang hiling ng pamilya niya!" tears started to form in my eyes.
This is just unfair, so unfair!
"I know, we all know but let just try to understand them—"
"Ganun ba kasama ang epekto ko kay Caden? Bakit parang nilalayo nila ako sa kanya, bakit... h-hindi niya na ba ako kailangan kaya..." my voice almost broke, I tilted my head to hide my tears.
BINABASA MO ANG
Under the Stars (Tonjuarez Series I)
Любовные романыAyara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the person she avoided the most. Because of their past, and the trauma it brought her, the only defense m...