Chapter 12
Tulala ako habang naglalakad, naglalakbay ang isip. Patuloy ang pagkekwento sa tabi ko ni Hannah pero wala talaga akong naiintindihan kahit ano'ng lakas ng boses niya.
"Maide-deliver na sa bahay mamaya ang gown!" aniya sa tabi ko, tumingin siya sa sa akin at huminto sa paglalakad. Pati tuloy ako ay napahinto.
Hinampas niya ang braso. "Nakikinig kaba sa akin? Lumilipad ang isip mo." reklamo niya.
Hindi ko pinansin ang hampas niya dahil hindi naman masakit.
"Ano ulit 'yong sinasabi mo?"
Umikot ang mata niya, inakbayan niya ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"Alam mo, hanapin nalang natin si Caden. Ibibigay kita sakanya, para hindi mo na lang siya iniisip, kasama mo pa."
Nanlaki ang mata ko, paano niya napagtanto? Gano'n ba ako ka obvious?
"H-Ha? Lumutulang lang ang isip ko, hindi ko s-siya iniisip." pagdadahilan ko.
"Sige, naniniwala naman ako sa'yo. Tara na, practice na. Inaantay kana ng prince charming mo." sarkastikong sabi nito at hinila niya na ako papasok sa hall.
Naipon na ang mga grade 12 dito, marami na rin ang nag-aantay at ang iba ay nagdadatingan palang. Nahanap agad ng mata ko si Caden, nakatayo kasama sila Kalel. Ngumiti ito nang makita ako, parang may nagbara sa puso ko at biglang ang hirap huminga.
"Iwan ko na kayo." makaluguhang sabi ni Hannah nang makalapit kami, lumayo na sila nila Kalel saamin. Sila ata magkapartner.
Saan naman sila pupunta? Ngayon na naiwan kaming dalawa, ay medyo nakakailang. Hindi naman kami lagi ganito, pero dahil sa asar ng mga kaibigan ay nag-iiba tuloy ang atmosphere. Kahit ako ay malapit nang madala sa pang aasar nila.
Hinarap ko si Caden, hindi nito tinanggal ang titig sa akin. Tumikhim ako.
"Tumawag ka pala kay Daddy? Pinaalam mo ako?" pagsisimula ko, baka sakaling mabawasan ang pagka-awkward kapag nag-usap kami. Kesa magtitigan dito.
"Oo, tinulungan na kita at baka hindi ka payagan." sagot niya, tumango-tango ako. Tama naman siya, kung hindi siya tumawag kagabi ay malamang hindi pumayag si Daddy.
"Oo nga, ang lakas mo kay Daddy." pabiro kong sabi, pero natigilan ako agad.
Napahinto kasi siya sa sinabi ko at ngumisi, I think it meant something else to him. Bahagya siyang lumapit sa akin.
"Talaga? Balak ko palang magpalakas, papasa na ata?" malalim ang boses, ngunit may kabuluhan ang sinabi niya. Hindi naalis ang ngisi sa labi nito.
Huh? Balak magpalakas? Papasa? Saan?
Idagdag mo pa ang ngisi niya, ako ang nanghihina sa mga galaw niya. Hindi pa ba siya tapos sa banat niya kahapon?
Ngayon na sineryoso niya nga ang sinabi niya kahapon, hindi malabong seryoso rin siya ngayon at hindi na nagbibiro.
Napalunok ako.
"A-Ano'ng ibig mong sabihin?" lakas loob kong tanong, tumaas ang kilay niya. Nang aasar pa lalo, alam niya kinakabahan ako sa mga gagawin niya at siya ang may kontrol.
Hindi ko nababasa si Caden ang hirap hulaan ng nasa utak niya.
"Students! Fall in line, we'll start!" announce na sa mic ng magtuturo saamin, para sa cotillion.
Kaya hindi niya na ako nasagot, umayos na kaming dalawa sa pwesto namin. Ginagaya ko lang rin ang nasa harap.
Nagsimula na nga kaming sumayaw, step by step naman ang pagtuturo saamin. Kaya kahit marami kami ay nakakasabay naman, ngayon ay nasa parte na kami na kailangan maghawak ng kamay.
![](https://img.wattpad.com/cover/343427698-288-k581217.jpg)
BINABASA MO ANG
Under the Stars (Tonjuarez Series I)
عاطفيةAyara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the person she avoided the most. Because of their past, and the trauma it brought her, the only defense m...