Chapter 50
Months passed by and I didn't even noticed it. Kung hindi lang lumalaki ang tiyan ko ay wala na akong pakakatandaan sa buwan na lumilipas.
We really did a simple wedding in Astalièr, that's when before we announce to our families that I am pregnant. Wala namang naka-isip at nakapansin, kaya gulat na gulat sila nang sabihin namin.
Mabilis lang ang wedding, nag-overnight lang rin kami roon kasama ang mga guest ng isang gabi. Matapos ay umuwi na rin. I was actually nice, to hold a second wedding at the beach.
Doon ko lang rin nameet si Cian at ang pamilya niya. Kahit sila Wyatt at doon ko lang rin ulit nakita, kasama ang iba pa nilang mga pinsan. It was quite a reunion for us, even our friends back in high school.
The news spread like wildfire, although the people around us and employees in the company were aware, the majority of people weren't. Nabalita pa nga sa international news, siguro ay dahil international nga ang Momento at nag-direct nga ng iilang film sa ibang bansa si Caden.
So now, we are officially married publicly. I don't have any problem with that. My focus is also on my pregnancy, especially since I am now seven months pregnant.
I tried to push the cart when Caden grabbed it from me. He pushed it, and just let me walk beside him.
"I'll do this," aniya habang busy ang mata na nagtitingin ng mga gamit.
My Mom and Mommy Anica actually bought baby stuff already. The moment they knew, they already sent us baby stuff kahit na two months palang ang tiyan ko nun.
Pero marami pa rin namang kulang, at gusto ni Caden na kami ang bumili ng lahat. Wala siyang balak magtipid sa pagbubuntis ko, at parang nilolook forward niya talaga ang pagbili sa mga gamit. Iyon na ata ang kasiyahan niya ngayon, kaya ito kami at pangatlong shopping na namin ito para sa mga gamit.
Huminto siya sa clothe's section, may kinuha itong terno na baby blue shirt and shorts. "This will look good on him," turan niya nang maharapa ko.
"Caden, pang nine month old 'yan. Malaki at matagal pa bago niya masuot." sita ko sa kanya.
"The he will wear it when he reach nine months." pag walang bahala niya at inilagay na iyon sa cart.
Binasa ko ang ibabang labi. "We can just buy again if he already needs it."
"What if he's big? You know those signs are not accurate. Minsan kahit sabing pang nine months iyong damit, apat na buwan palang kasya na sa bata." pagpupumilit niya, hindi ko alam kung si Mommy ba ang kasama ko o ang asawa ko.
Bakit mag kaugali na sila?
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Paano mo nalaman? Ba't alam mo iyang mga ganyan?" usisa ko, ni hindi ko nga alam ang mga iyon. But he sounded so confident about it, so it must be true.
Nagpatuloy na ito sa pagtulak sa cart, sumunod ako sa gilid niya. "I researched." maikli niyang sagot, natigilan ako sa sinabi niya.
Really? Nag-effort pa siyang magresearch about babies?
"Talaga? Akala ko may panganay ka na e, alam na alam mo." pang aasar ko, nilingon niya ako at kumunot ang noo niya.
"Look at her, as if you won't cry if I have one." bulong-bulong pa niya.
Hinampas ko ang braso niya at huminto sa paglalakad. "Meron nga?" tumaas ang boses ko, lumingon pa siya sa paligid dahil baka pagtinginan kami.
"Wala. I even asked Cian about babies, walang kwenta ang mga sinabi niya. Hindi ata nag-aalaga ng anak 'yon." paliwanag niya, pero hindi pa rin ako kumibo.
BINABASA MO ANG
Under the Stars (Tonjuarez Series I)
RomansaAyara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the person she avoided the most. Because of their past, and the trauma it brought her, the only defense m...