UTS 31

3K 63 5
                                    

Chapter 31

Bago pa mag-eight am ay nakatayo na ako sa labas ng bahay, nag-aantay kay Caden gaya ng usapan namin. Hindi nagtagal ay dumating na rin siya gamit muli ang Mercedes Benz niyang itim. Mabuti naman at sumunod siya sa sinabi niya kagabi, nakakahiga lang talaga pumasok sa trabaho na doon ako sasakay.

Mamaya, may makakita pa sa amin. Doble-doble pa ang iisipin nila.

Agad itong bumaba ng sasakyan at umikot para pagbuksan ako. Well... hindi naman na kailangan.

"Thank you," saad ko.

"Good morning," masiglang bati niya. Nakangiti ako sa kanya.

"Good morning."

Pumasok na ako at isinara na nito ang pinto, umikot na ito muli at sumakay na rin sa driver's seat.

"Let's go?"

"Yeah."

Habang nasa daan ay tinignan ko ang langit galing sa bintana, tag ulan na ba? Madilim na naman ang langit. Baka uulan nanaman.

I opened my phone and checked the weather, hmmm. Aaraw naman raw mamayang tanghali, pero maulan ulit ng hapon.

"I'll just drop you off, I will be out of the office today." aniya. Nabaling ang atensyon ko sa kanya dahil sa sinabi.

"Bakit? May pupuntahan ka?"

"I have an important meeting, it's outside the company." paliwanag niya,

Tumango naman ako. "Sige,"

"Hindi mo naman kailangan magpaalam, hindi pa naman kita boyfriend. Pero, ingat ka." Tuloy-tuloy kong sabi.

Bigla itong napatingin sa 'kin ngunit ibinalik rin muli ang paningin sa daan, taka ko itong sinulyapan. Nagmulto ang ngisi sa kanya labi.

"Pa?" makabuluhan niyang tanong, natigilan ako. Hindi iyon ang ibig kong sabihin.

"Hindi... kita boyfriend." paG-uulit ko.

Tumaas ang kilay nito, "Hindi... mo 'pa' ako boyfriend." he just copied what I said.

I mockingly looked at him.

"You don't have to pretend, you can say it." habol niya pa.

Mangha akong napaiwas ng tingin, iba rin ang confidence ng isang 'to.

"Nilakasan mo ba ang aircon?" pang-aasar ko.

Kumunot ang noo nito. "Huh? No." seryoso niyang sagot.

Ay, mahangin lang. Hindi nakakagets ng joke.

"Humangin ng malakas e, akala ko walang bagyo. Katabi ko pala." tinuloy ko pa rin ang biro ko, ilang segundo siyang natahimik tapos ay natawa ng bahagya.

Finally! Akala ko bukas niya pa magegets! Wala bang ganyang biro sa New York?

"I just stated a fact, now I got insulted." pabirong tono nito.

"Tss."

Dahil sa usapan namin ay hindi ko namalayan nakarating na pala kami, hindi niya na pinasok sa parking ang sasakyan.

Ihininto niya lang ito sa harap ng building,

"Salamat." tinanggal ko na ang seatbelt.

"I'm going to pick you up later." Habol niya, bumaling ako sa kanya.

"Okay." pagsang ayon ako. Hindi rin naman ako mananalo sa kanya, at kahit sabihin kong wag. Baka pupunta pa rin siya mamaya.

Bahagyang nanlaki ang mata nito, hindi inaasahan ang sagot ko.

Under the Stars (Tonjuarez Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon