Chapter 2

1.2K 21 0
                                    


I took a deep breath, closed my eyes, and felt the fresh air that gently touches my skin.

Tanghali sa University nandito ako sa bench kung saan kita ang buong field. This is my favorite area at tambayan sa campus dahil nakakarelax pagmasdan ang malawak na field at ang kalangitan. Kunti lang ang mga tao dito kaya I can rest my mind comfortably.


I love watching the buildings here pati narin ang mga taong may iba't ibang storya. Pero ang pinaka magandang tignan sa area na ito ay si André. Minsan ay nakikita ko siya sa gilid ng field, tumatambay ding tulad ko. Well, siya naman talaga ang rason ba't naging tambayan ko rin to eh.

Speaking of him....WAHHH!

I can see him, kakaupo niya lang sa berdeng mga damo na malapit sa mga puno. He chose the perfect place to relax.

Malayo siya sa pwesto ko but I am sure that's him. Sa hubog ng katawan palang, sa height at pananamit kilala ko na siya.

He's wearing a mint green t-shirt and a white trouser. Simple lang manamit pero napaka attractive.

Sa ngayon ay nakahiga na siya sa field. Nakapatong ang ulo sa dalawang kamay niya. And I can also see his wired earphones. Hindi siya fan ng ear pods na wireless kaya ako na din.


And there's a cat near him. Maraming mga pusa dito sa university, and one of their purposes is to serve as a stress reliever sa mga students.

He grabbed the cat and stroked him gently. Sana maging pusa na lang ako para makalapit rin sa kaniya.

Oh wait! I need to capture that moment of him.

Mabilis kong kinuha ang phone ko sa bag at inopen ang camera.

I zoomed in him para mas kita siya. At saktong pagpindot ko ay tumingin siya sa akin. Wait what? Agad kong inilipat ang tutok ng camera sa langit at ilang segundong hindi siya lumingon.

Owemji! Did he really look at me?

Tinignan ko ang litrato at oo nga. Nakatingin siya sa akin.

WAHH. I love this picture already! For the first time, tinignan niya ako at nakuhanan ko pa ng litrato. I will print this agad! Ipapa-tarpaulin ko 'to.


I am so happy but kinda worried kasi nahuli niya yata na pinipicturan ko siya huhu.

Ibinalik ko na ang tingin sa kanya and he's still there with the orange cat.


"You're here!" Ang biglang pagsulpot ni Cindee.

Umupo siya sa tabi ko

She knows where to find me.

"And him too." She mumbled habang nakatingin kay André na pinaglalaruan yung pussy

"Dee, you need to see this!" Excited kong sabi

Ipinakita ko sa kaniya ang litrato ni André.

"He looked at me, Dee! He already knows that I exist!"

"Luh, para yan lang!"

"Anong yan lang? Big deal na yan sakin no!"

"Okay!" Tipid na niyang tugon

"Alam mo feeling ko lagi talaga akong tinitingnan ni André tapos ngayon ko lang siya nahuli."

"Luh, nagiging delusional kana naman!"

"Hindi ah! It's possible kaya!"

Nginiwian niya lang ako

"At saka normal naman sa may crush ang maging delulu eh." Giit ko "Ikaw kasi wala kang crush kaya hindi mo alam yan!"

Si Cindee ang naging best friend ko pagdating ko sa College. And for our almost three years of friendship, hindi man lang siya nagbanggit na may crush siya. There were some guys hitting on her before, pero wala siyang interes sa lahat ng guy na nag try manligaw sa kaniya. Auto reject agad. She's very pretty naman kasi kaso nga lang laging galit sa mga lalaki. Sino kaya magpapalambot sa puso nito?

"Anong wala!" Mabilis niyang tugon

"Bakit meron ba?"

"W-Wala! Wala naman akong sinabing meron eh!" Nautal siya eh

"Wehh, I'm doubting it. Meron ka yata eh. Tell me, Dee. I'm your best friend tapos hindi mo sakin sinasabi ang mga ganyang bagay. Magtatampo ako nyan!"

"Wala nga, okay! I have no time for that. You know me!"

Tss!

"Diba sabi mo sakin kagabi may ipapakita ka? Hindi naman yun yung picture diba?"

"Oh I forgot! Meron nga hihi" I giggled

Forda change topic na si accla

"It's a video!" Sabi ko habang hinahanap sa phone ko yung bidyo

"Na bored kasi ako kagabi kaya naiisipan ko lang gawin to."

"Ang alin?"

"Here!" Ang nakangiti kong abot kay Cindee sa phone ko

At nag play na yung vinideo ko na tumutula Hahaha


André Joaquin Delgado
Nakuha mo na agad ang aking puso
Sa unang sulyap ko palang sayo
Kaya ngayon ako baliw na sayo

Mahal na yata kita, oo
Tanggapin mo kaya ako
At maging parte ng buhay mo?
Sana naman sagot mo ay Oo...



Wala pa nga sa kalahati yung video ay itinigil na ni ito ni Cindee

"Mukhang diko na kayang tapusin. Kinikilabutan ako!"

Ako nga din e, na cringe.

"Same Hahaha!" At parehas kaming natawa

"Ano ba yan? Kung anu-ano na ang pinaggagagawa mo dahil sa André na yan."

"Kaya nga eh, pero hindi ko mapigilan, Dee. It's my way of expressing my love for him! Dahil sa kaniya nagiging songwriter ako, photo editor (ineedit ko kasi pictures namin, ginagawa kong magkasama kami), artist (tinry kong idrawing siya pero maling desisyon, ibang tao naiguhit ko parang si Xander Ford) at ngayon naman makata na!"

"Taray, nagiging talented ang beshy ko dahil sa lalaking yan. May magandang dulot din pala siya kahit papaano."

"Maraming siyang magandang naidulot sakin noh. Gusto mo isa isahin ko pa!"

"Ay nako wag na. Titiisin ko na lang panoorin ang tula mo!"

Ayy

At ipinagpatuloy na nga yung video

Natatawa ako sa sarili ko at alam kong pati narin si Cindee. Hahaha



"What's that?"

Sheet. Sino nagsalita?

Love Me Back, My FiancéWhere stories live. Discover now