Tuluyan nang nawala sa paningin ko si André at iniwan akong tulala.
"Les, bumaba kana dyan." Ang mahinang sabi sakin ni Cindee
Bumaba na nga ako ng dahan dahan at walang kurap. Wala paring imik. Sinisink in ko pa rin kasi ang nangyari.
Narinig kong nagtawanan na naman ang mga tao sa canteen at kung ano ano na ang sinasabi nila sakin pero hindi ko na ito pinansin. Wala akong pakialam sa kanila.
"Nakadrugs yata si ante."
"Baliw na nga hahaha, literal!"
"Pati hiya nahiya na sa kaniya"Nakita ko sa aking peripheral vision si Martina na humakbang palapit sa kin.
"Ano ang feeling na sinampal ng katotohanan, Les? Masakit ba?" Sabay tawang mahina
Nilingon ko siya at tinignan lang ng masama. Gusto ko siyang sabunutan pero parang wala akong sapat na lakas.
"Hey, everyone!" Pagtawag ulit ni Martina sa lahat
"Mukhang hindi parin nagigising si Leslie sa panaginip niya. Let's wake her up!"
Kinuha ni Martina ang drinks na nasa table namin at dahan dahan itong ibinuhos sa damit mo..
I gasped when I felt how cold it was. Fuck!
"Wake up, Les!" She's smirking
"You, bitch!" Rinig kong hiyaw ni Cindee bago niya itulak si Martina dahilan para mapaatras ng ilang hakbang ang gaga. Muntikan pa nga siyang matumba kung hindi lang dahil sa dalawang kasama niyang sinalo siya.
"Ouch!" Daeng ng bitchesa! "How dare you pushed me, idiot!?" Galit na siya.
"Kulang pa yan!" Mabilis na lumapit si Cindee kay Martina at sinabunutan ito.
"Ahhh!" I heard her scream
"Panget ka na nga, panget pa ugali mo!"
"How dare you call me ugly! Ikaw ang panget!" At pumapalag din si Martina
"Stop!" "Stop!" Pagpigil ng dalawang kasama ni Martina sa kanila. They pushing Cindee away. Pero malakas si Dee kaya nahihirapan sila.
"Cindee..." Pipigilin ko na din sana sila ng biglang may tumama sa mukha ko na sandwich na may kagat.
Napalingon ako sa nambato and it was this girl na nagtataray.
"Sinira mo araw ni André, kaya bagay lang yan sayo!" Sabi niya
"Feelingera!" rinig kong hiyaw nang isa pang babae bago tumama sakin ang isang balat ng saging.
"Assuming mo!" Isang plastic cup naman
"Nakakahiya ka gurl!"
At nagsunod sunod na nga ang pangbabato sakin.
"TUMIGIL NGA KAYO!" ang sigaw ni Cindee ngunit tuloy-tuloy parin ang mga babaeng yun sa pangbabato sakin."Les, tara na!" Hinawakan niya ang kamay ko
"Hindi pa tayo tapos!" Ang huling sinabi ni Cindee kay Martina bago niya ako hilahin palabas sa canteen.
Tumigil siya sa paglalakad nang nakarating na kami sa corridor malapit sa CR ng school. Binitawan niya na ako humarap sakin.
"Les, look at me." She requested, pero hindi ako tumingin sa kaniya.
"Are you okay?" I heard the concern in her voice
Tumango akong nakayuko.
"Siguro naman ngayon Les, titigil kana dyan sa kahibangan mo sa walang hiyang André na yun!" Tugon niya
YOU ARE READING
Love Me Back, My Fiancé
RomanceWhat if maging totoo ang delusions mo? What if ikakasal ka nga sa kinababaliwang crush mo? Sa pagpasok ni Leslie sa buhay ng kaniyang man of her dreams siya na ba ang magiging pinakamasuwerte at pinakamasayang babae sa mundo o Hindi, kasi sasampali...