Kinagabihan lang ng araw na yun ay nagpa discharged na ako sa Hospital. Naging maayos naman na kasi ang pakiramdam ko. Physically I was fine, pero emotionally? NO! That incident would be one of the traumatic events that happened to me. Dagdag mo pa yung sinabi ni André na "She means nothing to me!" Kaya naman ilang araw talaga akong nananatili sa bahay, depressed.
Hindi ako pumasok ng school ng tatlong araw kasi ayaw ko pa humarap sa mga tao doon. My anxiety could never! For sure, laman na naman ako ng mga chismis doon. I was excused naman kasi nag explain naman ako ng reason ko sa mga professors ko.
Tungkol naman doon kay Axel. He was expelled from school, as I demanded, and hindi na rin ako nagsampa pa ng kaso kasi halos lumuhod na sa harapan ko yung parents niya. Pero sa oras na lumapit siya sa akin kahit 5 meters ay hindi na ako magdadalawang isip na ipakulong siya. He deserves it after all.
Anyways, sa three days na yun, inubos ko lang ang halos buong oras ko sa panonood ng kdrama at mga movies na effective naman na lumilibang sa akin. Nakikipag jamming din ako at nakikipagkuwentuhan kay Eiyan at pati na rin kay Cindee na laging bumibisita sa akin at kinukuwento sa akin ang mga ganap sa university.
Si André naman ay hindi ko nakakausap dahil sa parang umiiwas na naman siya sa akin. Magtataka pa ba ako, eh lagi naman hays. Pero kahit ako kasi parang hindi ko din alam pano ko siya ia-approach. Parang may awkwardness kasi. Kaya hanggang tingin na naman ako sa kaniya. Pero hindi naman niya ako sinusungitan, parang hindi lang niya ako kayang kausapin dahil na rin siguro sa nangyari.
Madalas ko din siyang makitang may malalim na iniisip. Ano kaya ang bumabagabag sa kaniya?
It's Thursday na at ngayon ay papasok na ako. Sa palagay ko okay naman na ako ng slight. Kaya ko na siguro. Kung hindi, edi pipilitin! Ayaw ko na magkulong dito sa bahay. Na bored na ako.
7:31AM na at katatapos ko lang mag ayos. Late na ako sa 7:30 class ko. That's fine! Sanay na ako ma late.
Papunta na ako ngayon sa labas para hanapin yung driver na maghahatid sa akin papuntang university.
At nang nasa parking area na ako ay hindi ako makapaniwala sa tumambad sa akin. It was André, standing next to his black Porsche.
Akala ko nauna na siya at iniwan na naman ako dahil sa ayaw niya pa ako kasama.
Napalingon sa akin si André, at seryoso niya akong tiningnan. Napatingin din siya sa relo niya.
"Tss tagal mo naman. We're late!" Medyo inis niyang sabi
"Uhhh, you waited for me?" Tugon ko
"Hindi ba obvious?"
"Why?"
"Anong why? Lagi ka namang sumasabay sa akin ah. Anong bago dito?" Aniya
"Eh akala ko.."
"Ayaw mo ba? Andyan naman si Manong Richard!"
"Ay hindi hindi! Siyempre sasabay ako."
Bakit naman aayaw ako?
"Oh anong problema?"
"Umm wala naman hihi."
"Tara na nga! Late kana!" Ang sabi niya bago pumasok sa kotse
Ako heto ako naiwang nakatayo at hindi na napigil ang ngiti. Ehe! Medyo kinilig. Ambabaw ko talaga!
"Hey! What are you waiting for?! Get in the car!"
"Oh wait hihi." At dali dali na nga akong pumasok
YOU ARE READING
Love Me Back, My Fiancé
RomanceWhat if maging totoo ang delusions mo? What if ikakasal ka nga sa kinababaliwang crush mo? Sa pagpasok ni Leslie sa buhay ng kaniyang man of her dreams siya na ba ang magiging pinakamasuwerte at pinakamasayang babae sa mundo o Hindi, kasi sasampali...