Chapter 17

620 16 0
                                    


Uwian na at nandito ulit ako sa parking area ng University, naghihintay sa FIANCÉ ko.

Napa smile ako ng sabihin ang salitang yun hihi. Baliw!

Anyway, ang tagal niya naman hays. Halos 30 minutes na akong nakaupo dito. Nagiinit na pwet ko dito.

"Hi!"

Agad akong napalingon sa nagsalita. I expected that it would be André, pero hindi naman. Hays, na disappoint tuloy ako.

"Hello!" Pag greet ko din sa lalaking nasa harapan ko na. To describe him, matangkad siya at gwapo din, infairness. He's wearing glasses and that really suits him. He has messy hair and cute smile. He looks kind.

"Pwede ako maupo?" Sabi niya

"Sure." Medyo umusog ako ng kaunti para bigyan siya na karagdagang space sa bench.

"Thanks!" Nakaupo na siya and now, I have a view of his side profile. Pogi din e, pero mas pogi pa rin ang fiancé ko. Walang tatalo!

"I'm Axelson by the way, but you can call me Axel na lang." Pagpapakilala niya

Inabot ko na man ang nakalahad niyang kamay at nakipag handshake.

"I'm Leslie."

"Yeah I know you."

"Talaga?"

"Yep. Kilala kana kaya sa buong University. You're the talk of the town!" Giit niya

Hays. Sana naman nakilala ako in a good way.

"Ikaw yung pinsan ni André, right?"

Naningkit ang mga mata ko sa narinig

"What?! NO! Fiance niya ako noh" Defensive kong tugon

"Okay, okay! Relax. Maniniwala na ako!"

Goods!

He chuckled. Bat naman kaya?

Limang segundo kaming natahimik. Hindi kasi ako social person kaya hindi ko alam kung ano na ba sasabihin ko. Nakatingin lang ako sa mga sasakyang naka park.

"Umm, Do you still wear it?" Pagbasag niya sa katahimikan

Tiningnan ko siya na may pagtataka.

"Ang alin?"

"The shirt I gave you, sa CR! I also left a note there, remember?"

"Ahhh yun ba? Oo naman. In fact, I wore it last week, kung hindi ako nagkakamali."

"Talaga? Buti naman!"

So, siya pala ang nagbigay nun. Hays, buong akala ko si André. Kaya pala "A" yung nasa note kasi Axelson. Bakit hindi niya pa kasi kinumpleto? Umiral tuloy ang pagiging delusional ko.

"Bakit mo naman pala ginawa yun?" I am curious

"Well, I witnessed what happened at the canteen. I saw how messy you were that day. Naawa ako sayo kaya ibinigay ko na lang yung kakabili ko lang na shirt. I was just helping someone in need." Sagot niya

I gave him a smile and said "Thank you! I really needed that."

"You're welcome!"

We both smiled to each other. Napatingin din ako sa wrist watch ko para malaman kung anong oras na. It's 5:04PM already. Hala! Nasan na yun?

"So, what are you doing here? It's getting darker."

"May hinihintay lang, si André."

"Ow, okay. Parang hindi na siya darating ah. Kung sakin ka na lang kaya sumabay. I will drive you home. Baka abutan ka ng gabi..." He offered

Love Me Back, My FiancéWhere stories live. Discover now