André's Point of ViewNandito ako ngayon sa garden, dinidiligan si Ella Gumamela.
"What's with the smile?" Ang biglang pagsulpot ni Eiyan
"Nothing!" Seryosong sambit ko.
"Okay. Baka guni-guni ko lang yung sweet smile mo!" Pag uuyam niya
"Tss. Ano ba kasi yun? Bakit ka nandito?" Ang nainis ko agad na sabi.
"Init naman ng ulo mo."
"Kung wala ka namang sasabihin, makakaalis na ako. I have something to do!" Hahakbang na sana ako palayo sa kaniya nang bigla siyang may sinabi na agad na nagpatigil sa akin.
"I know where she is?" He said
Dahan dahan akong lumingon sa kaniya.
"I know too. Leslie is in the University right now. At maya maya lamang ay susunduin ko na siya." Ang tugon ko
He smirked and said "Alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko at hindi iyon si Leslie."
I said nothing. I don't even know how to react.
"Pero parang hindi ka naman interesado eh. That's fine. I get it. Masaya ka na ngayon kay Leslie, bakit naman gugustuhin mo pang malaman, di'ba?"
Humakbang siya ng isang beses palapit sakin at saka tinapik ako sa braso.
"I need to go, Dré! Pasensya ka na kung naabala kita." Ngumiti pa siya bako simulan ang paglakad palayo sa akin.
Sa ikaapat niyang hakbang ay hindi ko na napigilan ang aking sarili na sabihin ang mga salitang...
"Where is she?"
Agad namang tumigil si Eiyan at nilingon ako nang nakangisi.
Nagsimula na nga siyang naglakad pabalik sa dati niyang tinatayuan. At nang nasa harapan ko na siya ay may kinuha siya sa bulsa ng kaniyang pantalon.
"When I was in Baguio, I saw her at a bar there." Sambit niya sabay abot sa akin nang isang litrato
"It was almost 3 months ago but I'm sure na diyan pa rin siya nagtatrabaho."
"It is really her." ang sabi ko sa aking sarili nang nakita ang nasa litrato.
"Nasa likod ang address." Sambit niya
At may nakasulat nga.
"Why are you doing this?" Ang tanong ko sa kaniya habang naka titig pa rin sa litratong hawak ko.
"Gusto mong malaman kung nasaan siya, di'ba?"
"That's not what I meant....Why are you doing this now, when I am already with someone else?"
"You don't even like, Leslie, di'ba? Yan yung sinabi mo sa akin nang bumalik ako rito."
"So, it's because of her?" Tugon ko
"It is also about her." Agad naman niyang sagot
"So, you like her?"
"I'm just concerned about Leslie, okay? She's a good person and I don't want you to treat her badly and hurt her just because you haven't yet moved on from your ex. If you don't really want to marry Leslie, then just tell her about everything. Wag mo na siyang paglaruan pa." Aniya
I was not able to give him any response.
"André, as your older brother, concern lang din ako sayo at gusto lang kitang suportahan sa kung ano talaga ang gusto mo. Kung ayaw mo talagang matuloy ang kasal niyo ni Leslie ay dapat itigil mo na agad ito. Huwag mo nang patagalin pa." Dagdag pa ni Eiyan.
YOU ARE READING
Love Me Back, My Fiancé
RomanceWhat if maging totoo ang delusions mo? What if ikakasal ka nga sa kinababaliwang crush mo? Sa pagpasok ni Leslie sa buhay ng kaniyang man of her dreams siya na ba ang magiging pinakamasuwerte at pinakamasayang babae sa mundo o Hindi, kasi sasampali...