Chapter 16

654 16 0
                                    


Pagkagising sa umaga, ang una kong ginawa ay ang nguniti habang nagbibinat ng katawan.

Ang ganda ng salubong ng umaga sa akin. Feeling ko maganda rin ang mangyayari sa araw na to hihi.

Time check, 5:20AM! Maaga pa.

After ng morning routine ko at ayusin ang sarili para sa pagpasok sa University ay agad na akong bumaba.

"Ma'am, breakfast po!" Salubong sakin ni Manang Gina

"Thanks po!" Naupo na ako at sumubo ng pagkain. Nakangiting ngumunguya.

"Okay na po ba pakiramdam niyo?" Tanong niya sa akin.

I got confused

"Yes po! Bakit niyo naman po pala naitanong? May nangyari ba?" Nagpatuloy pa rin ako sa pagsubo

"Sabi kasi ni sir André, masama daw pakiramdam niyo. Kaya nga daw hindi ka makakapasok ngayon e."

Sa narinig ko ay bigla akong nabulunan at naubo.

"Ano po?" Kumuha ako ng tubig at uminom "Hindi po yan totoo. I'm doing fine. Okay na okay ako!" Giit ko

Napakasinungaling talaga ng fiancé ko hays naman.

"Talaga po ba?" Napakamot siya sa ulo niya. "Pano na yan ma'am, nakaalis na siya."

This time ay naibuga ko naman yung tubig.

"What!?" Napatayo ako "Legit?"

Tumango siya. Sheeet!

"Kanina pa po ba?"

"Hindi pa naman po!" Tugon niya

"Pano na to?"

"Umm, kakausapin ko po si Ador, yung guard, siya na po mag dadrive sayo."

"Okay po!"

Kinuha ko na ang gamit ko at dumiretso na sa sasakyan. Isang minuto pa at nakapasok na rin si Mang Ador.

At nagsimula na ngang gumalaw ang kotse.

Hays! Bakit naman ako iniwan ni André? Kainis naman!




Nandito na ako sa University.

Nasan kaya ang André na yun?

"Ay kabayo!" Ang banggit ko nang may biglang sumulpot mula sa likuran ko

"Hi Couz!"

Speaking of him!

Wahh. Ang ganda ng binigay niyang ngiti. Maganda na ulit ang mood ko hihi.

"Hi!" Tugon ko na ang lawak ng ngiti. Iba talaga ang epekto niya sakin hihi.

OMG! He even winked at me! Wahhhh it's enough to complete my day! I'm so kilig ng malala.

Pero wait! Saan siya pupunta?

Mabilis ding naglakad palayo sa akin si André.

Dalawang segundo lang matapos siyang mawala sa paningin ko ay may pumasok sa ilong ko na masangsang na amoy.

Watdapak! Ano yun?

Yuck! Parang Utot!

"Baho naman?" "Kadiri!" "Eww!"

Napalingon ako sa mga taong nagsalita. Nakatingin sila sakin ganun din ang iba pa na nakapaligid sakin. Pare-pareho sila na nakatakim ang ilong.

I am so confused.

"Hindi ako y......" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang malanghap ko ulit ang napakabahong amoy na mukhang sa akin nga nanggagaling! Puta!

Ano yunnn? Bakit ganto amoy ko huhu? Sobrang baho. Nakakasuka at higit sa lahat nakakahiya. Dami na nakatingin sa akin, diring diri!

Love Me Back, My FiancéWhere stories live. Discover now