Chapter 34

477 12 0
                                    


Good morning!

Haaaaa, ang ganda ng tulog ko kagabi. Eh bakit nga ba? Eh nag date lang naman kami ng fiancé ko at dagdag pa dun ay sinabihan niya pa ako ng good night bago matulog, kaya ahhhh kinikilig na naman tuloy ako.

Anyway, kailangan ko na bumangon. 8:30am na pala. Pero okay lang naman, mamayang 1pm pa naman schedule nung klase ko. Pero si André, meron siyang pasok ngayon kaya naman siguro nasa school na siya. Mamimiss ko tuloy siya, ay hahaha OA.

Lumabas na ako ngayon sa kwarto ko, at dumiretso na sa dining area for breakfast.

Doon ay nakita ko si Eiyan, kumain

"Oh, Leslie! Good morning!" Ang sabi niya habang may nginunguya pa

"Good morning!" Tugon ko habang umuupo malapit sa kaniya.

"Here!" Sambit niya nang inilapit sa akin yung mga pagkain, bacon, fried eggs, at sinangag.

"Thank you!" Pagngiti ko sa kaniya

"You want coffee? Pagtitimpla kita."

"Ah no no. Okay lang. Ako na lang."

Pagtanggi ko. Nakakahiya kasi. Saka kaya ko naman.

"Sure?"

"Yes!"

"Okay!" At bumalik na siya sa pagkakaupo niya.

Nagsimula na rin ako sa pagkain.

Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay hindi ko na napigilang magtanong sa kaniya.

"Uhm, Eiyan?"

"Yes?"

"Okay na ba kayo ni André!"

He paused for a few seconds

"Oo naman. Nagkaayos na kami."

"Mabuti naman."

"Nagkausap kami kinabukasan noong gabing iyon sa Hospital."

"So you mean pumunta siya sa Hospital? I mean pinuntahan niya rin ako."

"Yes. Pumunta siya!"

Sa narinig ko ay hindi ko naitago ang pagngiti ko.

"But he didn't stay there for long. He didn't even bother seeing you."

"Hindi katulad ko!" He added but he said it in lower voice.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot kaya nahimik lang ako at ipinagpatuloy na lang ang pagkain.

Bakit kaya hindi na man lang pumasok sa hospital room ko si André noong araw na yun, gayong nandoon naman din siya.

Hays. Baka nahihiya pa siya. At sinisisi ang sarili. Na dapat hindi kasi wala naman siyang kasalanan. I myself, am accountable why it happened.

"Eiyan, thank you!"

"For what?"

"For saving me that night. If you haven't come, baka kung ano na ang nangyari sa akin."

Ilang araw na ang ang nakalipas pero ngayon palang ako pormal na nakapagpasalamat sa kaniya.

"Okay na yun, Les. Wag mo na isipin yun. And you're now part of the family, so it is my responsibility to protect you." He smiled and that gave me an assurance that I'll be safe with him.

"Good morning!" Agad akong napalingon sa nagsalita.

At ako ay automatic na napangiti nang tumambad sa akin si André na may malaki ring ngiti.

Love Me Back, My FiancéWhere stories live. Discover now