Si André ay nakahiga sa sahig at ako naman ay nakadapa sa kaniya. Pareho kaming nakatitig sa isa't isa.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. My gosh! Kalmahan mo lang.
Sa posisyon namin na ito, I can have a better close up view of his lovely face. Pogi!
Ampula ng labi, ang tangos ng ilong, ganda ng mata, at sheet the jawline ughhhh... ✨Perfection✨
And above all, I can feel his manhood WAHHHHHHH ang laki beshhh!!!!
Ayoko na umalis ditoooo!
"Fuck! Get up!" Bahagya akong tinulak ni André
Wag! Hindi pa ngang 1 minute ehh.
Tumayo na nga si André at syempre ako din. Nabitin ako hays. I want moreee!
Pero ako lang yata ang masaya sa nangyari. Ang sama ng tingin niya sa akin eh.
"Iyong iyo na yang turon mo! Tss! Isaksak mo sa bunganga mo!" Ang inis na sabi niya bago tuluyang umalis at iniwan akong hindi makagalaw.
I'm speechless parin sa nangyari.
Napatingin ako sa turon na nasa sahig at pinulot ito. Naka plastic naman kaya okay lang.
Umupo ako at nagsimulang kumain.
At habang ngumunguya ay napapangiti ako. My goshhh! Kinikilig ako ng malala sa nangyari.
Pinaulit ulit kong nirerewind ang ganap na yun sa utak ko kaya naman nangangalay na tong bibig ko kakangiti.
Gusto kong ulitin yun, pero next time sa kama na...Ay! Hahaha Ano ba?! Ang kalat ko. Pero soon! Hahaha
Naubos ko na yung turon. Naparami kain ko kakaisip doon. Halos isang oras din akong nandito. Kung hindi pa naubos yung kinakain ko hindi pa ako titigil.
Iiihhhhh hindi ko talaga mapigilan ang kilig. Hindi na naman ako neto makakatulog hays.
_____
Good morning, worlddddddd!
7:33AM na pala. 12 na kasi ako nakatulog kagabi. Pero buti na lang walang pasok ngayon, yess!
Bili kaya ako ulit nung turon. Magbabasakaling maulit muli hihi.
Anyway, time for breakfast.
Malapit na sana ako sa dining area nang may bigla akong narinig na katok mula sa main door ng bahay. Wala si manang Gina para tingnan kung sino yun kaya ako na lang gagawa. Hays!
Mabagal akong humakbang papunta sa pinto at sa pagbukas ko dito ay agad na tumambad sa akin ang isang lalake.
He's hot as hell!!! Yeah! Yan ang unang pumasok sa isip ko nang makita ang kumatok.
Damn! Ang gwapo niya at matangkad! Sino to?
He's wearing a fitted grey Polo shirt, kaya naman nahalata ang maganda niyang katawan. The biceps, wow! Hindi na nakapagtataka kung gym guy siya.
"Hi!" He greeted me with a big smile.
"Hello!" I replied
"You're André's fiancé, right?"
"Yes! I'm Leslie!"
"Nice meeting you! I'm Eiyan by the way!"
Wait! I'm seeing resemblance between him and André. Mas tiningnan ko pa siya nang masinsinan. At oo nga, magkahawig sila. Pero mas pogi pa rin si André ng slight haha.
"I'm André's b...."
"Kuya?" Pareho kaming napatingin ni Eiyan sa nagsalita, and it's André
"André!" Agad na lumapit si Eiyan sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.
Pero hindi yumakap pabalik si André. Parang hindi pa nga masaya e.
"I miss you, Bro! Halos apat na taon din akong hindi nakapunta dito!" Ang sabi ni Eiyan nang kumalas na siya sa yakap niya sa kapatid. Tinawag siyang kuya eh. Saka hindi naman maipagkakaila, magkamukha oh.
"Grabe, ang tangkad mo na, saka mas lalong pumogi. Pero mas pogi pa rin ako?" Biro nito
Parang hindi agree si André hahaha
"Why you're here?"
"Dito muna ako titira habang wala sila Dad. Na miss ko din kasi tong bahay."
"Tapos aalis ka din pagdating nila?"
"Yes, probably! Pero wag mo na natin isipin yun. Kakarating ko lang e, iniisip mo agad pag alis ko."
Napatingin si Eiyan. Should I call him kuya na din ba?
"Anyway, nabalitaan ko din pala na engaged kana kaya mas naconvince pa ako na pumunta dito. Grabe, bro! Inunahan mo pa ako sa pagpapakasal. Congrats sainyo!"
"Tss!" Tumalikod si André at agad na naglakad pabalik sa kwarto niya
"André, saan ka pupunta? Hindi ka ba masaya na nandito ako?" Hindi sumagot si André, bagkus ay tuloy tuloy lang siya paglalakad.
Ano problema nun?
"Sir Eiyannn!" Biglang pagsulpot ni manang Gina
Lumapit siya kay Eiyan at nagyakapan sila. Inangat ni Eiyan si Manang at pinaikot ikot niya ito.
Ang cute naman nila.
"Nahilo ako sir." Sabi ni manang nang bumitaw na sila sa isa't isa.
"Haha sorry po manang. Na miss din po kasi kita eh. Musta na? Mukhang pabata ka ng pabata ah."
"Sus. Sinungaling! Halos puti na nga lahat ng buhok ko eh." Tugon ni manang "Ikaw sir? Musta na? Ang laki po ng pinagbago mo."
"Ayos na ayos po ako manang...masaya!" Tipid na sagot niya
"Mabuti naman po. Ay sir, kumain kana ba ng agahan? May ipinaghanda ako."
"Hindi pa nga po eh?"
"Kung gayon tara po sir at ma'am Leslie, handa na po yung breakfast niyo."
"Sige po!" Sabay na sagot namin ni Eiyan.
"Tawagin ko lang po si sir André."
"Ay wag na po manang. Parang hindi pa siya handang humarap sakin. Nagtatampo siguro."
"Ay ganun po ba. Sige po."
Bakit kaya? Anong dahilan bakit parang hindi masaya si André na makita ang kapatid niya?
At may kapatid pala siya. Bakit naman ngayon ko lang nalaman? Hays.
YOU ARE READING
Love Me Back, My Fiancé
RomanceWhat if maging totoo ang delusions mo? What if ikakasal ka nga sa kinababaliwang crush mo? Sa pagpasok ni Leslie sa buhay ng kaniyang man of her dreams siya na ba ang magiging pinakamasuwerte at pinakamasayang babae sa mundo o Hindi, kasi sasampali...