Leslie's POVIt's night time already at kakatapos lang namin mag dinner. Habang kumakain kami kanina ay napahaba ang usapan namin ni Eiyan kaya naman natagalan din bago maubos ang kinakain namin. Samantala, si André naman ay hindi man lang nagsayang ng laway para sumali sa usapan namin. He was just sitting and eating there, seems uninterested. But, I know he listened. Pero balik sa usapan namin ni Eiyan. So, ayun, marami siyang baon na kwento at mga jokes hahaha. May sense of humor siya at masyadong madaldal kaya nakakatuwa kachikahan hindi tulad ng fiancé ko na minsanan lang kung magsalita. Limitado lang lagi ang mga sentences hays.
Ngayon lang kami nag meet ni Eiyan pero magaan na agad ang loob ko sa kaniya. It's because of his fun personality.
Finally, may maayos na din akong kausap sa bahay na ito.
Nakadapa na ako ngayon sa kama ko while scrolling sa reels ng instagram at naghihintay antokin.
Knock Knock!
Dahan dahan akong tumayo para pagbuksan ang kumakatok. Sino kaya to?
Pagbukas ko ay tumambad sa akin si Eiyan na may hatid na malaking ngiti.
"Oh Eiyan, what brought you here?" Agad na tanong ko
"Just checking my room. I miss this kasi!" Sagot niya habang iginagala ang mata sa kwarto.
"Ay sayo pala 'to. Gusto mo ba dito ka na lang ulit doon na la----!"
"No, no, no!" Pagputol ni Eiyan sa sasabihin ko. "It's yours already. Doon na lang ako sa guest room. Tutal bisita lang naman talaga ako dito. I am no longer living in this house. Pinalayas na ako diba?"
"Tss. Kapamilya ka parin nila, okay? Pagbalibaliktarin man ang earth!" Tugon ko
"Okay. Sabi mo eh!"
Daling kausap ah hahaha"Sige, alis na ako!"
"Agad?"
"Yep. Tiningnan ko lang naman tong lungga ko dati. Saka kulang tulog ko sa byahe kanina, bawiin ko ngayon."
"Ahh, okay."
"Good night, soon-to-be sister in law." He smiled
"Good night din soon-to-be brother in law!" I smiled back
At tuluyan na nga siyang naglakad paalis. I'm happy na tanggap na niya ako agad na maging parte ng pamilya.
Nang maisara ko na ang pinto ay agad ko nang inihiga ang sarili sa malambot na kama.
I also set my alarm clock in 5:00AM. Gigising ako ng maaga para hindi na ako maiwanan ni André.
Cringgg! Cringgg! Cringgg!
Sheeet! Alas singko na!
Argghhh! Parang hindi ko pa kaya bumangon. Antok pa ako huhu! Tulog kaya ako ulit. 5 minutes lang!
Pero hindi pwede. Baka umabot ng 30 minutes!
Pilit kong iminulat ang mga mata at nilalabanan ang unang pagsubok ko sa araw na ito. Ang hirap.
Bumangon na ako mula sa pagkakahiga para hindi na makatulog pa.
Ayaw ko nang maiwan muli ni André kaya agad na akong tumayo at pumunta sa bathroom.
After washing my face, brushing my teeth, taking a shower, and applying my beauty products ay isinuot ko na ang aking outfit of the day.
YOU ARE READING
Love Me Back, My Fiancé
RomanceWhat if maging totoo ang delusions mo? What if ikakasal ka nga sa kinababaliwang crush mo? Sa pagpasok ni Leslie sa buhay ng kaniyang man of her dreams siya na ba ang magiging pinakamasuwerte at pinakamasayang babae sa mundo o Hindi, kasi sasampali...