Kinaumagahan
"Good morning!" Ang pagbati ko sa umaga habang naguunat ng katawan.
Ang ganda ng gising ko kahit 1am na ako natulog kagabi. Oo, inabot ako nang ganyang oras kakatitig lang sa fiancé ko. Hindi naman kasi nakakasawa ang kagwapuhan niya. At isa pa, matagal bago ako nakaget over dun sa kiss namin kagabi, dalawang beses pa yun.
Ahhh, kinikilig na naman tuloy ako hihi.
Napatingin ako sa kanan ko at wala na doon si André. Nagising na siya.
Teka...
Nanlaki bigla ang mga mata ko nang may marealize.
Agad kong nilingon ang orasan sa kwarto at napatakip na lang ako ng bibig nang makita na alas 7 na!
OMG!
Hindi ako nakapagluto ng breakfast kay André. Simula nang simulan kong magising ng maaga para makapagluto ay hindi na ako tumigil. Wala pa akong na skip kahit isang araw pero ngayon meron na huhu.
Kinuha ko ang phone ko. Tumunog naman yung naka set kong alarm pero hindi yata ako nagising kasi sa napasarap ang tulog ko dahil nagpuyat ba naman.
Agad akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa dining area. At doon ay naabutan ko si André na naglalapag na ng mga pagkain sa lamesa. He's wearing this white apron.
Nang makita niya ako ay agad siyang napangiti. At siyempre nahawaan ako.
"Good morning, Les!" Pagbati niya
"Good morning!" Tugon ko naman
"Have a seat!" Ang sabi niya sabay hila nung isang upuan para sa akin.
Umupo naman ako
"Ikaw ang nagluto nito?" Ang tanong ko sa kaniya habang pinagmamasdan ang mga pagkain sa harapan ko. Typical breakfast: fried sausages, fried eggs, omelet, and fried rice.
"Yes!" Ang masigla niyang sambit.
"Talaga? Wow! They all look delicious!" Natatakam kong sabi.
"Kulang pa yan." Ang saad niya sabay balik sa kitchen.
Pagbalik niya ay may dala na siyang isang bowl. Paglapag niya nito malapit sa harapan ko ay tumambad sa akin ang niluto niyang Chicken Curry.
"That's my specialty!" Ang proud niyang sabi.
"Wow! Mukhang masarap!" Ang amazed kong wika.
"Taste it!" Sambit niya
At tinikman ko naman agad ito at napapikit na lang ako sa sarap niya. Legit.
"Umm, André! Ang sarap! For real!" Ang sabi ko sabay kuha ulit ng curry at subo agad.
"Thank you!" He smiled
"Hindi ko alam na magaling ka pala magluto." Wika ko habang ngumunguya
"Kaunti lang naman ang kaya kong lutuin." Umupo na siya sa may harapan ko at inalis yung suot niyang apron "..at saka ngayon na lang din ako ulit nakapag luto ulit. It's been years since the last time I touched a pan." Dagdag pa niya
"Talaga?"
"Yep. At kung hindi pa ako nagising ng alarm mo hindi ko pa to magagawa." He giggled softly
So siya pala yung nagising nung alarm ko.
"Hihi sorry, naputol tuloy yung tulog mo." Sabi ko
"No, it's fine. You always cook breakfast for me, siguro ngayon ako naman muna. And also, I miss cooking your favorite!" Bigla siyang natigilan.
YOU ARE READING
Love Me Back, My Fiancé
RomanceWhat if maging totoo ang delusions mo? What if ikakasal ka nga sa kinababaliwang crush mo? Sa pagpasok ni Leslie sa buhay ng kaniyang man of her dreams siya na ba ang magiging pinakamasuwerte at pinakamasayang babae sa mundo o Hindi, kasi sasampali...