Kung may red flags si André, mas marami ang Bruce na ito. Playboy, check! Napakayabang, check! Narcissistic, check! At marami pa yan, for sure!"Huy, Bruce! Iba na lang ang guluhin mo, okay? Wag na si Cindee kasi hindi siya yung uri ng babaeng papatol sa'yo." Giit ko
"Tss. Leslie, lahat ng ginusto ko, makukuha ko. And you should tell that to her too, para makapaghanda siya." Saad niya
What the heck! Iba din ang confidence nito, doble ang taas sakin.
Hindi ko na masyadong nadinig ang mga sunod na sinabi ni Bruce nang makita ko na nga ang taong inaasahan ko, si Martina na ngayon ay naglalakad na palapit sa amin. Kasama niya yung dalawang kaibigan niya. Kung maglakad silang tatlo parang nasa runway.
"Hi, Andre!" "Hi, Bruce!" Hindi niya ako binati bagkus ay inirapan lang.
Tss. Bunutin ko kaya isa isa yang kilay mong yan!
"André, I have a question. Is that girl..." Turo niya sa akin. "... really living in your house? I saw her pictures with you in her Instagram."
"Totoo yun! Hindi naman mukhang edited, tinatanong pa!" Sagot ko
"Hey, I am not asking you. So you better shut up!"
Ginigigil talaga ako ng bruhang 'to.
"André, is that true?"
"Yes, it's true. She's living in our house." André answered
Oh diba! Ano ka ngayon!"
"So, does that mean she is your fiancé?"
André chuckled. For what reason?
"Hell no!"
What?
"She is not my fucking fiancé! She's just my cousin." Nakangiti niya akong tiningnan. "Right?"
Napakunot ako ng noo
"Hindi no! Fian...."
"Umalis ang parents namin kaya samin muna siya pinatuloy. She is very dependent at hindi niya kaya mag-isa. And also, she is diagnosed with a mental health problem, kaya kailangan niya talaga ng taong mag susupervise." André stated
Ano raw? Mental health problem? Da pakkk
"I really don't like her there with me, but I have no choice. It's my parents house."
"Ahhh. So yan pala ang reason!" Martina
"Yes! You should tell that to everyone!"
"No! Anong pinagsasabi mo, André? I'm there because I'm your fiancé!" Pagsuway ko.
"Whatever she says, wag kayo maniwala dahil sabi ko nga, may problema siya sa pag-iisip." Sabi pa niya
"Nakakaawa ka naman, Leslie. Baliw ka na nga talaga, literal!" At natatawa ka pa, Martina
"Nakakawang nilalang talaga yan. Intindihin niyo na lang." Ang sabi ni André bago siya magsimulang maglakad.
"Bye, pinsan! Haha!" Ang paalam naman ni Bruce.
Arghh. Nakakainis din siya.
"Huwag kayong maniwala sa kaniya. Hindi totoo yun!"
"At kanino kami maniniwala, sayo? Eh you're crazy!" Sabi ni Martina
"Hindi ako baliw! Bobo ka ba?" Yan na lang ang naisabi ko, pikon na pikon na ako e.
Hays. Makaalis na nga dito.
Humakbang na ako paalis sa harapan nina Martina. Kumukulo na dugo ko!
"Bye, pinsang baliw!" Ang sambit pa ni Martina. Nagtawanan pa silang tatlong mga bruha.
Hindi ko na sila pinansin at dirediretso lang sa paglalakad.
Gusto ko sanang habulin sina André, pero malapit na magsimula ang unang klase ko. Hays! Kainis!
Dinig ko pa rin ang mga tawanan at pang aasar ng power puff girls divisoria version. Pero hinayaan ko na lang at hindi na pinansin pa. Luge ako pag nakipagbardagulan sakanila. Apat laban sa isa tss.
Nagsimula na akong maglakad papunta sa classroom namin na nasa third floor pa hays.
Sa bawat paghakbang ko ay randam ko ang mga matang nakatingin sa akin at may naririnig din akong mga chismisan sa likod ko. Hindi ko maintindihan pero alam ko ako at si André na naman topic nila.
Binilisan ko na ang paglalakad dahil sa hindi na ako komportable sa gan'to.
Diridiretso lang ako sa paglalakad at hindi lumingon kahit marinig ko pa ang pangalan ko.
At sa wakas nandito na ako sa classroom. Umupo agad ako sa seat ko katabi ni Cindee.
"Oh bakit ganyan ang mukha mo?"
"Bakit?"
"Parang sinampayan ka ng mabahong medyas!"
"Eh kasi naman..."
"Si André noh?" Pagputol niya sa dialogue ko
Hindi na ako umangal at napabuntong hininga na lang ako dahil medyo tama siya hays. Ba't niya kasi ginawa yun?
"Isama mo na rin si Martina. Siya talaga nagpakulo ng dugo ko."
"Bakit? Ano na naman ginawa nila?"
"Mamaya sabihin ko?"
Actually wala naman talaga akong balak sabihin sa kaniya ang nangyari baka ipagtulakan na naman niya na tigilan ko na si André. Baka mag lecture na naman siya. Hays pagod na ako makinig sa mga bad comments niya kay André pero may point naman siya kaya lang wala na akong pake doon. Ang mahalaga super gwapo ng fiancé ko. Saka may pakiramdam ako na nagsusungit sungitan lang talaga siya. Babait din siya sa akin. I can change him!
YOU ARE READING
Love Me Back, My Fiancé
RomanceWhat if maging totoo ang delusions mo? What if ikakasal ka nga sa kinababaliwang crush mo? Sa pagpasok ni Leslie sa buhay ng kaniyang man of her dreams siya na ba ang magiging pinakamasuwerte at pinakamasayang babae sa mundo o Hindi, kasi sasampali...