Nasa bahay na ako ngayon at nakarating ako dito kasi sinundo ako kanina ng walang iba kundi ang fiancé ko, si André. Hihi kaya masaya na naman ako ngayon. Kinilig. Small efforts matter no. Lalo kung si André pa gumawa hihi.
At this moment ay naglalakad ako papunta sa gym ng bahay. May dala akong tubig para kay André ko na kanina pa nag wo-work out doon.
Sa pagpasok ko sa gym nila ay unang tumambad sa akin si Eiyan na nagbubuhat nung barbel ba yun.
At grabe nakuha agad ang atensyon ko ng maganda niyang katawan. Sa laki ng biceps niya, mukhang puputok na yung suot niyang compressed t shirt.
"Oh Hi, Leslie!"
"H-Hi, Eiyan. Where's André?" Tanong ko sa kaniya
"He's right behind you!"
What?
Kaya agad akong napalingon sa likod.
At agad na nanlaki ang mga mata ko at nanghina ang mga tuhod nang tumambad sa akin si André na shirtless at pawis na pawis...
Whoahh, ang hot niya. Ang perfect ng katawan.
One, two, three, four, five, six pack abs. Wahhh
At lalo lalo pa ako nanghina nang ibinababa ko pa ang ang tingin.
Mahihimatay yata ako, OA
Pero muntik na talaga akong matumba, pero siyempre hindi yun hinayaan ni André. Nasalo niya ako, naunahan niya si Eiyan.
"What's wrong, Les? Are you okay?"
Napatango ako habang nakakagat labi. Eh pano ba naman kasi, nakahawak ako ngayon sa dibdib niya.
Nag inhale ako, at grabe, ang bango pati pawis niya...heavennnnn
Inayos ko na ang pagkakatayo ko
"Don't worry, André. Umm napagod lang siguro ako kanina." Eme nag inarte lang talaga ako.
"If that is so, you should rest na."
Ehheee
"Yesh. Actually, matutulog na din talaga ako. Hinatidan lang talaga nito. You want water!" Pag offer ko nitong isang baso ng tubig na halos maubos na dahil sa naitapon ko ito.
"Thank you!" Kinuha naman niya ito
"Pero sana hindi kana nag abala pa. We have water here."
"Ayy meron pala. I didn't know kasi eh hihi."
"But I appreciate it. Thank you ulit."
"You're welcome."
Parang biglang bumilis bigla ang tibok ng puso ko nang humakbang siya palapit sa akin.
And unexpectedly, hinalikan niya ang pisngi ko at nagsabing "Good night kiss!"
Wahhhhh. I think I might faint again.
"Good night!" Sambit ko bago lumabas sa pinto.
Mabilis akong umalis dahil sa hindi ko na kayang pigilan ang kilig.
AAAAHHHHH!
Sumisigaw ako pero yung muted. Napatalon talon din ako sa sobrang kasiyahan.
Les, kalmahan mo lang. Act normal! Dapat masanay na ako sa mga sitwasyong gaya non. Pero ang hirap eh, araw araw niya talaga akong pinapakilig.
Nasa kwarto na ako ngayon, nakahiga. Halos 20 minutes na pero hindi parin ako makatulog. Hindi na naman kasi maalis sa isip ko yung nangyari kanina.
"Good night kiss" wahhh
YOU ARE READING
Love Me Back, My Fiancé
RomanceWhat if maging totoo ang delusions mo? What if ikakasal ka nga sa kinababaliwang crush mo? Sa pagpasok ni Leslie sa buhay ng kaniyang man of her dreams siya na ba ang magiging pinakamasuwerte at pinakamasayang babae sa mundo o Hindi, kasi sasampali...