Now that everybody knows that I'm the fiancé of André, the biggest heartthrob and the most handsome man in this university, siyempre naging matunog na naman ang pangalan ko. For sure, may mga bashers na ako dyan, mga inggit eh. Pero kung may mga umiirap sa akin, may mga ngumingiti din naman sa akin. May mga naging mababait na din sa akin. Gaya kanina, may group of girls na gusto daw makipag friends sa akin. Siguro gusto ma invite sa kasal. Dahil sa hindi naman masama ugali ko, siyempre nakipag-usap ako sa kanila. Ang dami nilang tanong, parang mga reporters.
Sinagot ko naman sila na parang interview lang ang peg. Yung ibang sagot ko ay may halo ng kasinungalingan para naman maganda yung atake ng love story namin. Hindi ko sinabing arranged marriage lang kami para hindi magmukhang napilitan si André sa akin noh.
When they asked me kung paano nagsimula ang lahat ang sinagot ko ay..
"So, it was after school nang ibinalik ko yung books ko sa aking locker room. When I opened it, may nakita akong isang pulang rosas sa loob. May nakadikit ditong notes na may nakasulat na 'Meet me at the rooftop'. I was intrigued and curious kung sino yung nagbigay sakin noon kaya pumunta nga ako sa rooftop. At first, hindi ko pa siya nakikita kaya naisip ko na may nang t-trip lang sa akin. Paalis na sana ako nang biglang sumulpot si André holding a small bouquet of red roses. There, he confessed that he also has feelings for me. And the next thing that happened was that, André gently smacked his mouth against mine. In that kiss, I surrendered."
Oh diba! Napakasinungaling! Certified story maker slash liar. Grabe, kung ako si Pinocchio baka isang kilometro na ang ilong ko.
Pero paniwalang-paniwala naman sila kinilig pa nga eh. Even me, kinilig din sa sinabi ko hihi.
Sasabihin ko din sana na nagalit ako sa kiss na yun kasi wala siyang permission at wala akong gusto sa kaniya. Kaya sinuyo niya ako, hindi tinantanan, at niligawan na. Nagpakipot ako at nag ala hard-to-get ang peg. Pero hindi ko yun sinabi kasi mukhang hindi na kapani paniwala. Baka kasi kilala nila akong fanatic at obsessed kay André. Kaya wag na lang. Baka hindi na nila paniwalaan lahat ng sinabi ko, sayang yun.
And out of nowhere, they also asked me kung nakita ko na daw yung ano ni André. At ang sinagot ko ay siyempre naman oo at ito ay malaki at may kahabaan kahit hindi ko pa naman nakikita. Pero makikita ko din naman yun, hihi. Exciting.
Hihingi pa sana ng proof yung isa eh. Like what the? Abusado ang gaga! Saka hello?! Sa akin lang yun noh.
May follow up question din sila na "Did you already have sex?" Nabigla ako sa tanong na yan, grabe. Muntikan pa akong mabulunan. Lahat talaga gusto nila malaman eh no.
"Hindi pa, pero darating kami diyan." Sa mga sagot ko, ito ang isa sa mga totoo hahaha. Pero excited na ako sa araw na mangyayari yun, hihi.
Hanggang sa uwian ay hindi parin nawawala yung mga tingin ng mga tao sa akin, may mga nag smile rin naman, at nag approach sa akin na para bang magkakilala na kami.
Actually, I'm fine with it naman because I like the attention. Eh kasi naman attention seeker ako at medyo clout chaser.
At magiging mayabang talaga ako, kasi dapat lang ipagmayabang na fiancé ko si André. It's my biggest flex, whahaha.
Nasa parking area na ako ngayon, hinintay si André. Excited na akong makita ulit siya kasi naman marami akong gustong itanong sa kaniya. Hindi na kasi siya masyado nakausap kanina kasi after lang nung ganap kanina ay may scheduled class na kami pareho. So ayun, nagkahiwalay na kami.
After 13 minutes of waiting dito ay dumating na siya, finally.
"Hi André!" Ang pagsalubong ko sa kaniya na may malaking ngiti.
"Kanina ka pa?" He asked
"Umm hindi naman!"
"Okay."
Lumapit na kami sa kotse niya at grabe na naman yung kilig ko nang pinagbuksan niya ako ng pinto. Ahhh nangyayari na talaga.
"Umm André?" Sambit ko ng nasa loob na kami pareho sa sasakyan niya.
"Yes?"
"Why did you do that?"
"Ang alin?"
"Bakit nakapag decide kana na sabihin sa kanila na fiancé mo talaga ako? And the kiss?" I asked without looking at his eyes
"It was because I feel bad for everything I've done to you before." Panimula niya
So, tama nga ako. Na guilty siya.
"I'm sorry, Leslie. Alam ko na sobrang mali lahat ng mga ginawa ko sayo dati kaya I understand if you can't forgive me."
"No, André. It's okay!"
Sa kiss niya palang na yun kanina napatawad ko na lahat ng kasalanan niya sa akin hihi!
"And that night...I'm really sorry for what I did, for what I said. I didn't mean it. And Eiyan was right, dapat sinamahan kita at hindi umalis nang gabing iyon. Sorry for not being there!" Ang sabi niya ng hindi ako tinitingnan sa mata.
"It's okay, André. Kalimutan na natin ang gabing yun." Tugon ko.
That was one of the worst nights in my life. It was traumatic and the pain I was having at that time was extreme. It was a nightmare, mahirap kalimutan pero pipilitin ko para na rin sa ikabubuti ko, sa peace of mind ba. Pero nangyari na yun, I should move on.
As my thoughts delved into the depths of contemplation, my consciousness abruptly returned with André talked.
"Leslie," André softly caressed my hands, his gaze locking onto mine.
"From this moment forward, I promise to cherish you even more. I'll treat you better. Babawi ako!"
A wave of warmth enveloped me, rendering me utterly speechless. In the depth of his captivating eyes, I found myself lost.
A warm feeling surrounded me, and I couldn't find words.
Ano ba dapat kong sagot sa sinabi niya??
'Sige! Thank you!'?
Wahhhh! Hindi ko alam ang sasabihin. I am not able to respond. Sobrang hyper na ng nararamdaman ko ngayon. Sobrang saya ng loob loob ko.
Tagos hanggang buto ang kilig. Parang nagdidiriwang mga internal organs ko.
I'm literally screaming internally.
Ugh, my heart. Lakas ng kabog. Parang naririnig ko na.
"I think we should go!" Pagbasag niya sa katahimikan.
Halos ilang segundo kasi akong nakatulala, nakangiti sa kaniya.
"Y-Yeah!" Ang sagot ko. Hindi pa kasi kami nakakaalis sa parking lot.
At nagsimula na nga ang kotse sa pag-andar ng mabagal, leaving the university.
Nakangiti pa rin ako ngayon, nakatitig lang sa kaniya. Nangangalay na nga bibig ko pero hindi ko talaga mapigilan. Nalulunod pa rin ako sa kasiyahan.
A few minutes later ay nagsalita si Andre, na nagpabalik saking ulirat.
"Are you hungry?" He asked
"Umm, Yes." Sagot ko kahit hindi naman talaga
"Let's eat?"
Each other? Ay hahaha
"Sige! Saan?"
Instead of answering the question, he just gave me a smile.
Ikaw, André ha.
Saan kaya ako dadalhin nito?
Saan kaya kami magkakainan, este kakain?
YOU ARE READING
Love Me Back, My Fiancé
RomanceWhat if maging totoo ang delusions mo? What if ikakasal ka nga sa kinababaliwang crush mo? Sa pagpasok ni Leslie sa buhay ng kaniyang man of her dreams siya na ba ang magiging pinakamasuwerte at pinakamasayang babae sa mundo o Hindi, kasi sasampali...