Chapter 14

662 12 0
                                    


Hinampas ni Cindee ang braso ko

"Aray!"

"Anong mamaya?! Ngayon mo na sabihin!"

"Ehh!" Tumalikod ako sa kaniya

Kailangan ko mag change topic. Dapat mailusot ko to!

Alam ko na!

Agad akong humarap sa kaniya

"Dee!"

"Bakit?"

"Alam mo ba na gusto ka ni Bruce?" Sabi ko

Biglang kumunot ang noo ni Cindee

"Tss! Well, ako hindi!"

"Wala ka namang nagustuhan sa mga gumusto  sayo eh!"

"Syempre! Eh hindi naman sila kagusto-gusto. Bukod sa hindi ko na type may mga red flag pa! Kaya yang Bruce na yan, tumigil tigil siya at hindi ko papatulan ang hambog at babaerong tulad niya. Kadiri!" Giit niya

"Sabi pa nga niya eh, bukas na bukas daw ay nag didate na kayo!"

Halos magdikit na ang mga kilay niya sa narinig

"What?! Yuck! Ew! No way! Ano ako, easy to get? Hindi noh! Tss!" Defense niya!

Kitang kita sa mukha ni Cindee ang pagkairita Hahaha.
Saka mukhang hindi na niya ako tatanungin about sa nangyari ngayon! Success

"Bakit ba tayo nakarating sa Bruce na yun? Wala akong pake sa kanya! Ikaw Leslie ah! Iniiwasan mo yung tanong ko? Ano ba kasi nangyari? Sasabihin mo o kukurutin ko yang singit mo?"

Hays!

Muli, dahan dahan akong tumalikod sa kaniya.

"Totoo kaya to? May problema talaga sa pag iisip si Leslie?"

"Oo yata. Si André na nagsabi eh!"

Ang narinig kong paguusap nung dalawa naming classmate. Nilingon ko sila at tumambad sakin ang kumpulan nila sa likuran namin.

"Huy! Ako ba pinag-uusapan niyo?" Tanong ko kahit alam ko naman na ako talaga topic nila.

Nagsibalikan sila sa mga kinauupuan nila

"Ano na naman ba ang pinagsasabi niyo sakin ah?" Matapang kong sabi

"Les, nakita mo na ba yung post ni Martina sa Facebook?"

Agad kong kinuha ang phone ko sa bag ko, bukas ng FB, at search sa account ni Bruha!

At laking galit ko nang mabasa ang bwekenanginang post niya!

Ang sabi

"Hey FB friends! You know the delulu girl that claimed that she's the fiancé of our dear André. The girl named Leslie Jean Ventorozo. Well, she is actually a cousin of him. The cousin with mental problems! André told that to me himself. Hahaha so nakakatawa naman!"

KASINUNGALINGAN!

Kinuha ni Cindee ang phone ko at binasa din ang post niya matapos makita ang expression kong makikitaan ng galit!

Ahhh! Parang sasabog na talaga ako sa inis!

"Hindi 'to totoo! Hindi niya ako pinsan at lalong hindi ako baliw!" Giit ko

"Tell them, Cindee! Sabihin mong nagsasabi ako ng totoo!"

"She's really right, guys! It seems impossible, pero fiancé niya talaga ang lokong André na yun! I confirmed that already!"

"Tss! Wag mo na ngang sakyan ang trip ng baliw mong kaibigan! Wag mo na siyang depensahan dahil hindi rin kami maniniwala." Tugon ni Angel, ang president sa klase na ang init din ng dugo sa akin. Crush niya din kasi si André kaya ganun!

Love Me Back, My FiancéWhere stories live. Discover now