Chapter 11

685 16 2
                                    


In front of the mirror, I have been watching my tears slowly run down my face for almost 10 minutes now.

Kumuha akong tissue sabay punas sa luha ko pero agad din namang napapalitan ng bago. I can't stop myself from tearing up. I am trying, pero sa bawat saglit na pumapasok sa isip ko ang mga sinabi ni André, I can feel the pain I never expected.

I am hurt, really hurt. Bakit naman hindi? He just said he doesn't like me.

But I should be optimistic. André will soon like me too. Nandito ako para tulungan siyang magkaroon ng nararamdaman sakin.

Tadhana na ang nagsabing kami ay para sa isa't isa.

Fiancé ko na siya. Ngayon pa ba ako titigil? No way! Hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito. I'm here for a reason, and that reason is that we are destined to each other.

Mangyayari ang dapat mangyari.

You will love me back, my fiancé.

I can now feel the sadness in me fading as I have this hope.

Maybe he's a red flag now, like Cindee said, but I know I can change him. 

Ito ang challenge na di ko uurungan. Fighting!




My phone chimed. Agad ko itong kinuha at bumungad sa akin ang isang notification sa Instagram.

One of my classmate just commented on my post.

Yep. Pinost ko nga yung picture namin ni André at nilagyan ko yun ng caption na "First lunch with my fiancé."

The comment is "Is that André? For real?"

Ang reply ko naman sa kaniya ay "Yes, girl! It's really him. Totoo na fiancé ko nga siya!"

I hope everyone in the university will see this post para aware na sila ang tungkol samin. Well, I know naman na kakalat din 'to agad. Malaking chismis 'to noh.

Hindi naman talaga ako uhaw sa atensyon pero isang malaking flex na ikasal sa isang heartthrob kaya kailangan ipagyabang.

Saka ang paniniwala sa school ay delusion ko lang ang arrange marriage namin, well, I need to prove them wrong.

Haha! Ano kaya ang magiging reaction ni Martina pag nakita niya 'to? For sure, tataas ang manipis na kilay non at ma ba-bother dahil sa inggit. She'll think about this all night! Kung hindi siya makatulog dahil dito, buti nga sa kanya!

Tiningnan ko muli ang aking reflection sa salamin at ngayon wala ng luha. I am not that sad anymore.

Nang oras na para sa dinner, tinawag ulit ako ni manang Gina. Bumaba din naman ako kaagad pero this time, I see no André.

"Asan po si André?"

"Umm hindi daw po siya kakain."

"Bakit daw? Ayaw niya ba akong kasabay kumain?"

"Hindi naman po siguro, baka hindi lang po siya gutom."

"Okay po. Sabi mo eh."

At nag dinner nga akong mag-isa.

After kumain dumiretso agad ako sa kwarto. I feel tired kaya maaga akong matutulog ngayon. Dapat may energy ako para bukas.

Kinabukasan

It's Monday, wohooo

Excited akong pumasok sa skwela ngayon.

At this moment, I am putting some light make up.

Mhuaaa! I just put on a light red lipstick. My favorite shade.

I think I am ready to go!

Umalis na ako sa kwarto ko at hinanap na si André.

"Nasan po siya?" Tanong ko kay Manang Gina.

"Nasa labas na po. Paalis na yata."

Luhh

"Sinabihan ko naman siyang antayin ka, pero wala yata siyang balak."

Ngii

"Sige po. I need to go!" At tumakbo na ako palabas

"Wait!" Sigaw ko nang makitang nagsisimula na sa pag andar ang kotse ni André.

Hindi ito tumigil kaya mabilis akong tumakbo papunta sa harapan nito para pigilan siya.

"Stop the car!" Ang sabi ko nang iharang ang sarili sa umaandar na sasakyan.

I managed to stop him pero muntikan na akong masagasaan.

"What the fvck are you doing?" Pasigaw niyang sabi habang lumalabas sa kotse niya. "Kung gusto mong magpakamatay, huwag mo akong idadamay ha!"

"Ba't mo iiwan?"

"Ba't naman kita isasama?"

"Same school lang pupuntahan natin. Saka fiancé mo 'ko, dapat lang na isakay mo 'ko!" Giit ko

"No way!"

"André, please! Hindi mo 'ko pwedeng iwan. Pano ako makakapunta nyan sa school?"

"That's your car right?" Turo niya sa kotse naming naka park.

"Yes!"

"Dyan ka sumakay!"

"But, I don't know how to drive!"

"What? Where's your driver?"

"Nasa bahay nila!"

Pinauwi ko na si Mang Ernesto. Hindi ko naman na siya kailangan e. Kasi si André na dapat taha hatid sundo sakin.

"If you think that I will take his position, no, I will not! Bahala ka na dyan!"

"Pero..."

"Asked one of our guards. Marunong naman sila mag drive!"

"Hindi pwede! Dapat ikaw." I insisted

"No!"

"Then I will tell your parents!"
Takot siguro siya sa parents niya kaya sa palagay ko mapapapayag ko siya sa ganito.

"No, you can't!"

"Yes, I can." I smiled and grabbed the phone from my bag.

"Then, go ahead!"

Okay! I will call your Mom na... Look." I dialed Tita Monica's number and now it's ringing.

"Fvck!" Sambit niya. "Fine, get in!"

Yes. Finally!

At cinancell ko na ang tawag ko sa Mom niya

"Thank you!"

"Dyan ka sa back seat!"

"What? I should be in the front seat!"

"No! Pinagbigyan na kitang sumabay ka sakin pero dito dapat wag na!"

"Your mother is calling, should I answer?"

"Tsk! No."

"I think payag kana na maupo ako sa front seat, tama ba?"

He sighed "Pumasok kana! Ma li-late na tayo!"

Papayag ka naman pala. Pinatagal mo pa.

Pumasok na ako sa kotse niya na nakangiti samantalang siya naman ay hindi na maipinta ang mukha.

Hihi, ang cute niya pag naiinis.

Love Me Back, My FiancéWhere stories live. Discover now