Sabi ni Bruce, gusto din daw ni André ang may magandang boses, kaya naman nandito ako sa sala, mag kakaraoke para maipamalas ko sa kaniya ang galing ko sa pagkanta haha.Hawak ko na ang microphone at naghahanap ng unang song na kakantahin ko.
"Enchanted" by Taylor Swift
"Ehemm!" I cleared my voice while waiting for the lyrics.
Finull volume ko para rinig niya whahaha
At nagsimula na nga akong kumanta. May papikit pa ako kasi saulo ko naman ang kanta. Swiftie since 2016 ba naman.
Asan na si André? Nasa kalahati na ako ng song tss.
Siguro nasa kwarto na naman, nakikinig. Hihi kinikilig na yun sa mala anghel kong boses!
Speaking of him. Lumabas na siya sa kaniyang lungga! Whaaa at naglalakad na siya palapit sa akin.
Habang humahakbang siya ay nakatingin lang siya ng diretso sa akin. Ganun din ako sa kaniya habang patuloy sa madamdamin kong intermission number.
This night is sparkling, don't you let it go
I'm wonderstruck, blushing all the way home...He's walking in slowmo. Everything is very romantic shesssh!
"I was enchanted to meet y....." Hindi ko na natapos ang kanta nang dumiretso siya sa may TV at inunplug!
The heck!
"Anong problema mo? Ba't mo naman tinanggal?"
"You're voice is awful! Napakasakit sa tenga!"
Aray!
"Tss! May problema yata tenga mo eh! Ang ganda kaya ng boses ko!"
"Boses mo ang may problema!"
Aray!
"Diba Eiyan, maganda naman ang boses ko?" Tanong ko agad kay Eiyan na kakarating lang sa sala.
I'm sure magsasabi 'to ng totoo.
"Umm, to be honest, hindi. I have to agree with him this time."
Aray talaga
"See? Kaya wag ka nang kumanta ulit, okay? Nakakasira ng mood."
"Tss! Magsama nga kayong magkapatid!" Naiinis ako hmmp!
"P-Pero, kunti pang practice magiging kaboses mo na si Taylor Swift." Ang sabi ni Eiyan
"Kaboses ko na kaya siya!" Tugon ko
"LOL! Wala ng pag-asa ang lalamunan niyan! Kung kumanta parang sinasakal."
Natawa si Eiyan pero agad naman napatigil nang tiningnan ko siya ng masama.
"Bakit? Maganda ba ang boses mo para sabihin sa akin yan?"
"Syempre naman!"
"Wehh? Patunayan mo nga. Kumanta ka!"
"No! Wala akong dapat patunayan!"
"Tss! Ayaw mo lang malaman ko na sintunado ka talaga eh."
"I'm not like you noh."
"Kumanta ka nga, para maniwala ako. To hear is to believe. Mukhang takot yata sa mic ah!"
"Looks like she's challenging you, André. Sige na, iparinig mo na sa kaniya boses mo."
I stretched my arms para iabot sa kaniya ang microphone.
"Hays, fine!" At kinuha na nga niya ang mic. Yehey!
"Ano kakantahin mo?"
"Till my heartaches end" by Ella May Saison
YOU ARE READING
Love Me Back, My Fiancé
RomanceWhat if maging totoo ang delusions mo? What if ikakasal ka nga sa kinababaliwang crush mo? Sa pagpasok ni Leslie sa buhay ng kaniyang man of her dreams siya na ba ang magiging pinakamasuwerte at pinakamasayang babae sa mundo o Hindi, kasi sasampali...