"Are you okay?" Tanong ni Cindee sakin nang ilang segundo akong walang imik habang nakatingin sa basag at sirang phone ko.
"Sure." Ang mahina kong sambit
Nakaupo ulit kami ngayon sa bench
"So, ngayon may rason kana para tigilan na siya."
Dahan dahan kong inilipat ang tingin sa kaniya
"He's always been a bad person. Halata naman eh." Pagpatuloy niya
"No, I think he's not." Pagkontra ko
"What? After all that?! Nakita mo naman siguro kung anong ginawa niya kanina. Sinira nya phone mo, minura, at pinagbantaan. You still think that was actions of a good person? You're sick!"
"Well that's was just a normal reaction sa ginawa ko. I took pictures of him without his permission. I invaded his privacy kaya understandable yung actions niya." Giit ko
"Bakit ikaw? Kung may makialam din sa privacy hindi ka ba magagalit? Baka nga mas matindi pa ang gagawin mo e. Baka mambugbog ka pa!""May empathy pa nga siya kasi hindi niya ako kinasuhan." Dagdag ko pa
"Tss. But it doesn't make him a pleasing person. He always been so rude to people around him and disrespectful. Marami na nakapagpatunay nyan."
"Okay sabihin na natin na hindi siya ganoon kabuting tao. So what? I don't care! I still like him and hindi ko mapigil ang nararamdaman ko sa kaniya."
"He's a fucking walking red flag!"
"I'm color blind!"
She rolled her eyes "Ewan ko sa'yo!"
Tumayo siya at naglakad na.
Sumunod naman ako sa kaniya dahil malapit na mag start ang klase.
Sa buong apat na oras na klase, I was always distracted by thoughts regarding my encounter with André.
Hindi maalis sa isip ko ang flawless niyang mukha habang kausap ako at tinitignan ako ng diretso.
That was also the first time na makalapit ako sa kaniya. Hanggang tanaw lang ako sa kaniya sa malayo dati. Pero kanina, naamoy ko na ang pabango niya sa sobrang lapit. I can still smell him! Ambangoo niyaa, grabee!
But, I can still think the fact that he's mad at me. Napakabigat lang sa damdamin na isipin yan. Imbes na gumawa ako ng magandang impression, kabaligtaran pa ang nangyari. Huhu! André wag kana magalit, nasasaktan ako e.
Uwian na at dumating din naman agad ang sundo ko. Nagpaalam na ako kay Cindee. Bago ako sumakay sa kotse, tumingin muna ako sa paligid. Nagbabasakaling makita si André, pero hindi e.
As we made our way back home, I gazed out of the tinted window, observing the passing people and places. Lost in contemplation, I remained silent, my thoughts engulfing me. A faint smile emerged on my face as I inhaled the polluted air, mingled with the scent of car smoke. As long as André lingered in my mind, it seemed insignificant that the very air I breathed was tainted.
I gently closed my eyes at in-emagine na ako ay nasa dulo ng isang barko, parang si Rose lang sa tinanic ganern. Nakangiti kong pinapakiramdaman ang malamig na hanging dumadampi sa aking balat at sa mahaba kong buhok.
May dahan-dahang humawak sa aking tyan. I opened my eyes then looked at the hands intertwined in my waist. Agad akong lumingon sa aking likuran at tumambad sa'kin ang aking love of my life, si André.
Ang gwapo, shet!!!
"I love you, Leslie," he whispered tenderly, his gaze locked with mine.
Lalong lumawak ang ngiti ko sa labi. Owshii. Hende eke kenekeleg. Pwamis.
YOU ARE READING
Love Me Back, My Fiancé
RomanceWhat if maging totoo ang delusions mo? What if ikakasal ka nga sa kinababaliwang crush mo? Sa pagpasok ni Leslie sa buhay ng kaniyang man of her dreams siya na ba ang magiging pinakamasuwerte at pinakamasayang babae sa mundo o Hindi, kasi sasampali...