Chapter 41

76 3 0
                                    


"Do you want to sleep in my room?"

And he said that while directly looking into my eyes and with a freaking sweet smile.

It took me a few seconds to react dahil sa pina process pa ng pagkatao ko ang narinig.

"W-what?" I stuttered "Tama ba yung narinig ko? Y-You're asking me if I want me to sleep with you?" Nangininig ang boses ko sa kilig huhu. Sana tama at hindi lang yun guni guni

"Yes!"

WAHHHHHHHHHHH! I'm screaming inside.

"We're engaged naman eh. So, I think dapat lang na we're sleeping in the same room, diba?" Sabi pa niya

"Y-Yes! Oo naman André. I always wanted it." Ang sabi ko habang pinipigilan ang sobrang saya at kilig

"Okay! That's good!"

"N-Ngayon na ba?"

"If you wanted to!"

WAHHHHHHHHHHH! Yes na yes naman

"Sige! Umm, gawin ko lang yung night routine ko tapos punta na ako sayo." Saad ko.

"Okay. Take your time!" He smiled at me. Huhu don't do that André. Pag hindi ko napigilan kilig ko dito, magwawala ako.

"Good night! See you later!" Ang sabi niya pa habang naglalakad paatras at nakapamulsa. Ang laki din ng ngiti niya hihi.

"Good night!"  Ang huling sinabi ko bago nagmamadaling pumunta sa kwarto ko

At sa unang segundong nakapasok na ako sa kwarto ko at mabilis na naisara ang pinto ay lumabas na nga ang pinipigilan kong saya. Napasigaw ako ng todo at napatalon talon pa. Tumakbo din ako at nilibot ang buong kwarto.

"OMG! OMG!" At napalundag na nga papunta sa kama at naging parang isang kiti kiti dahil sa kilig.

Napagod ako dun.

After ng celebration ko ay naligo na ako. Ginawa ko din yung skin care routine ko nang may malaking ngiti sa mukha.

Halos dalawang oras akong nag ayos ng sarili. Eh kasi naman minake sure ko talagang maganda at mabango akong tatabi sa fiance ko hihi.

Nang matapos na ako ay dali dali akong lumabas   ng kwarto na parang may hinahabol. Grabeng excitement ba.

I'm here

Nasa tapat na ako ng kwarto ni André. Bago kumatok ay huminga muna ako ng malalim.

Walang response galing sa loob kaya naman ay kumatok akong muli.

"André?" Sambit ko

"You may enter, Les. The door's unlocked." Boses ni André

"Okay, pasok na ako!"

This is it!

At binuksan ko na ang pinto nang may laking tuwa. OMG!

Tuluyan na nga akong nakapasok sa kwarto ni André, este namin ni André. Hihi kilig to the bone!

Pero walang André ang tumambad sa akin sa pagpasok ko.

Asan siya?

"I'll be there in a minute, Les!" Narinig kong sabi niya

"Okay. Take your time." Tugon ko habang inililibot ang mata sa bawat sulok ng malaking kwarto.

This is my second time entering here. Pero yung una kasi forced hahaha. Ngayon siya na nag insist.

Very organized ang mga gamit dito at napakalinis tingnan. Napakabango rin, amoy André hihi.

Ngayon ay nakatoon ang aking pansin sa study table niya na nakaayos din. Dito ay may nakapatong ang magkakapatong na mga libro niya. Seeing those books made me smile. Eh kasi naman, I love men reading books. Ang attractive kasi sakin kapag bookworm ang isang guy. Kaya naman obsessed ako kay André e. Bukod sa super pogi na, mahilig pa magbasa.

Love Me Back, My FiancéWhere stories live. Discover now