Chapter 24

611 13 0
                                    

After ng dinner namin sa bahay ay pumunta agad ako sa kwarto ko, nirerewatch for the fifth time ang Reply 1988. Grabe, kahit pinaulit-ulit ko na naiiyak pa rin ako huhu. This the best kdrama I've watched. My comfort! Kung gusto ko tumawa at umiyak at the same time, diretso agad ako dito. I wish I could watch this again for the first time.

Natapos ko na ang last episode kaya naman heto ako humahagulhol. Halos maubos ko na yung isang kahon ng tissue kakaiyak. I'm so  malungkot na naman tuloy.

Anyway, lalabas muna ako. Kukuha lang ako ng snacks, nagugutom na naman ako.

Pagbaba ko sa ground floor, nakita ko si André sa sala nanonood ng horror movie.

After ko siya makita ay agad akong pumunta ng snacks at drinks sa kitchen at pumunta na sa sala para makinood kay André.

"Hi, André!" Ang bati ko nang nakaupo na ako sa sofa. Mga 10 inches pagitan namin sa isa't isa.

Pero wala siyang response. Busy sa panoood.

"Umm, anong movie yan?"

"One piece!" Tugon niya

"Huh? Akala ko Conjuring yan?"

"Alam mo pala eh, tanong tanong ka pa!" Ang masungit niyang sabi

Tss. Tinarayan ko na lang siya

Binuksan ko na yung isang chichirya at gumawa ito ng ingay.

"Hihi! Sorry!" Ang sabi ko ng mapansing nairita siya sa tunog nung plastic

Nagsimula na akong sumubo. Inaya ko siya ngunit hindi na naman niya ako pinansin. Snubber talaga to. Ayaw paistorbo sa panonood.

"Sobra bang nakakatakot 'to?"

No response

"Kakasimula palang ba?"

No response ulit. Tss

Ilang segundo pa ay tumayo si André.

Bakit kaya?

Tapos naglakad na palayo.

"André! Saan ka pupunta?" Tanong ko, pero as usual wala na naman siyang sagot. Tss

Pano na 'to? Mag-isa ko na lang papanoorin ang movie na 'to? Huhu I can't!

"Hi, sis!" Ang biglang pagtabi sa akin ni Eiyan

Yehey! Hindi na ako mag-isa

"Wow! Lakas naman ng loob mo. Nanonood ng horror movie mag-isa!"

"Hindi naman ako mag-isa kanina eh." Ang mahinang sabi ko.

Saka hindi naman talaga ako mahilig sa horror movie. Matatakutin kaya ako. Pero dahil sa mukhang favorite ni André ang ganitong genre dapat maging favorite ko na din 'to. Para may pagkakapareho ba. Kaya kailangan ko na masanay sa ganto huhu.

"AAHHHH!" Ang sigaw ko nang biglang sumulpot ang isang multo. Watdapak!

Dahil sa takot ay napatago ako sa likuran ni Eiyan huhu. Tama bang desisyon to?

"Wala na ba?" Ang tanong ko kay Eiyan

"Wala na." Sagot niya kaya naman ay dahan dahan ko nang inaangat ang ulo ko.

Pero saktong pagtingin ko sa TV ay siya namang paglabas ulit nung multo. Shutaaaaa!

Dahil sa labis na pagkabigla ay naisubsob ko ang aking mukha sa dibdib ni Eiyan. Matigas besh!

Pero wala 'tong malisya ha. Sadyang natakot at nagulat lang talaga ako huhu. Kainis nitong si Eiyan. Tawang tawa pa hays. Tiningnan ko siya ng masama pero mas lalo pa siyang tumawa. Tss!

Love Me Back, My FiancéWhere stories live. Discover now