We are now on our way to the university. At usually, pag nasa byahe, sa labas lang ako lagi nakatingin, pinagmamasdan ang bawat madaanan namin. But this time, nakapako lang tingin ko kay André.
He looks super cool while driving. Super gwapo nya talaga. Ang tangos ng ilong at ganda ng labi, sarap i-kiss hihi.
I can watch you for hours, my fiancé. Hindi ako magsasawa. Kahit lantaran mo pang ipakita ang pulang bandila mo, okay lang, ang pogi mo kasi. I can't stop myself from being captivated by your eternal beauty again and again.
And ito pa, every person has their own soft side at nandito ako para tulungan si André na i express yun, sa akin syempre. Ganyan ako ka confident!
Wait, I should capture this moment of him.
Kinuha ko na ang phone ko sa bag ko at agad na inopen ang camera para kuhanan ng litrato na ngayon ay sobrang seryoso na nag mamaneho. Pogi much!
Napansin ni André na pinicturan ko siya kaya napalingon siya sa akin at tiningnan ako ng masama. Wala siyang sinabe at nagpatuloy na lang sa pag drive.
Okay lang naman siguro sa kanya kaya naka front camera na ngayon ang phone ko at nag picture ulit na kami ng dalawa. Ang cute namin together hihi.
Syempre kailangang ipost 'to!
Kaya open Instagram agad at post.
Caption: with my handsome driver.Nahuli ko siyang nag bombastic side eye sakin pero wala paring sinabe.
Hays, ayaw mo talaga magsimula ng conversation sakin ah. Ako na lang!
"So, André. Dapat mag start na tayo mag-isip ng plano natin sa wedding." I said but still, no response from him.
"Umm, what do you want? A beach wedding or church wedding? Saka dapat may theme ang kasal natin, right? Para unique! Pwedeng under the sea, o Disney theme, I love Disney! Pwede ring fairytale wedding, or Vintage or garden wedding? Dapat bright and colorful ang venue. Bongga syempre, madaming designs. You know, I'm a maximalist person... And yung wedding party! Ako ang maid of honor ko ay si Cindee, siya best friend ko e. Yung bridesmaids ko, pag isipan ko pa. How about you? Sino ang best man mo? Mga groomsmen? Tapos...."
"Shut the fuck up! Pwede bang itiklop mo na yang bunganga mo. Sakit mo sa tenga. Saka I'm driving, would you please stop bothering me! Gusto mo maibangga ko 'to ha?"
"Okay, okay. Mananahimik na. Sa bahay na lang natin 'to pag usapan."
At napa "Tssk" lang siya.
Hindi na ako nagsalita muli. Baka ma distract ulit siya sa kadaldalan ko tapos ma disgrasya pa! Hindi pwede. Magpapakasal pa kami.
Ipinako ko na lang ulit ang mga mata ko sa fiancé ko. Pogi much!
And finally, we're here na sa parking space ng University. Nauna na siyang lumabas. Nagbakasali ako na pagbuksan niya ng pinto pero hindi. Hays. Pero okay lang. Kaya ko namang buksan to.
Sa paglabas ko ay bumungad sa akin ang ilang mga studyante na may nakatutok na camera samin. It's either, kumukuha ng picture or nag vi video. I smiled at them, kumaway kaway pa. Feeling celebrity! Ganto pala feeling ng may paparazzi HAHAHA
Ge lang, ikalat niyo ang balita!
Ayy naiiwan na ako ng fiancé ko.
Mabilis akong naglakad para mahabol si André.
Napatigil siya, dahilan para masubsob ako sa likuran niya.
Aray naman. Pero hihi.
"Why you're following me?" Sambit niya
Luh
"Why not? Engaged na tayo dapat lang na...."
"Tssk" pagputol niya sa sasabihin ko
"Enough with that! Pwede ba wag mo nang sabihin yan. Nakakairita sa tenga e!"
Luh
"Pero..."
"Sabing tahimik!"
"Hey, bro!" Pagtawag ng isang lalaki kay André. Lumapit siya
Siya ang palaging kasama ni André. Magkaibigan sila.
"Hey, Bruce!" Tugon ni André.
"So siya pala, Bro! Ang ma suwerteng babaeng pakakasalan mo!" Tiningnan niya ako at ngumiti
"Hi, I'm Bruce!" Nakipag hand shake siya sa akin.
Sa pagkakaalam ko ang Bruce na ito ay kilala na playboy. Iba ibang babae ang nakakasama niya. Parang araw-araw nagpapalit. Buti na lang di na nahawaan si André.
"Hello, I'm Leslie!"
"Yeah, I know. I heard a lot about you!"
Tumango tango na lang ako na nakangiti. Sikat na talaga ako sa University o baka naman kay André niya ako nakilala, kinuwento niya siguro ako.
"So kumusta naman si André, as fiancé?
"He's fine!"
"Yeah, he's a fine guy. Obvious na yan, ano pa?"
I meant, okay lang siya as fiancé. Na misunderstood pa.
"Hindi ka naman niya nilason no?"
Luh.
Both of them chuckled.
Magsasalita sana ako nang makita ko si Cindee na nasa 'di kalayuan.
Tinawag ko siya at kumaway nang lumingon siya.
"Come here!"
At lumapit din siya pero ang bagal naglakad.
I grabbed her arm
"André, this is Cindee, my best friend!"
"I didn't ask!" Tugon ni André
"Tss!" Cindee rolled her eyes.
"Uy Bro, wag ka namang suplado dyan!" Sambit ni Bruce. "Hi, ako nga pala Bruce!" Pagpapakilala niya
Inoffer ni Bruce ang kamay niya para makipag handshake pero tiningnan lang ito ni Cindee.
Binigyan ko si Cindee ng look na nagsasabing "makipag handshake ka!"
At sumunod naman siya. "Cindee!" Sambit niya nang hindi man lang tinitignan si Bruce na ang laki ng ngiti.
"So, what's your number, pretty girl?" Sabay kinda
"Che!" Sambit ni Cindee sabay bitaw kay Bruce.
"Una na ako, Les. Hindi ko gusto ang hangin dito!" Inirapan niya muna si Bruce bago tuluyang umalis.
Naalala ko, galit pala siya sa mga lalaki Hahaha.
"Di kan naman nagsabi na may maganda ka palang kaibigan!" Ani Bruce. "Single ba siya?"
"Yes, since birth!"
"Kung ganun ako pala ang magiging first Boyfriend niya!" Sabay hawi sa buhok niya
"Luh? Hindi ka magugustuhan nun, for sure? Ngayon palang nga ayaw na niya sayo eh? Wala kang pag-asa sa kaniya."
"What did you say? Hindi niya ako magugustuhan? Sa pogi kong 'to? Tss, kita mo bukas nag di date na kami."
Tss, malabong mangyari. Napakalabo.
"Pano naman yung girlfriend mo?" Sabi naman ni André.
"Okay na yung 3 days namin, single na ako ngayon!"
Luh. Playboy talaga ang taong to. Napakapula ng bandila mo, ekis ka samin.
YOU ARE READING
Love Me Back, My Fiancé
RomanceWhat if maging totoo ang delusions mo? What if ikakasal ka nga sa kinababaliwang crush mo? Sa pagpasok ni Leslie sa buhay ng kaniyang man of her dreams siya na ba ang magiging pinakamasuwerte at pinakamasayang babae sa mundo o Hindi, kasi sasampali...