Chapter 22

641 13 0
                                    


After ng morning class ko pumunta agad ako dito sa isang salon na malapit sa University. I'm staring into the mirror, wondering if this is a good decision. Magpapagupit ba talaga ako?

Sabi kasi ni Bruce, André like girls with short hair. Ayaw ko sana magtiwala kay Bruce eh, kaso kaibigan niya si André. He knows a lot about him. Baka nagsasabi naman siya ng totoo. Kung hindi, tss papatayin ko siya.

"Ma'am, are you ready? may I start na ba?" Ang nakangiting sabi nung gay na gugupit sa buhok ko.

Hindi muna ako nakasagot. I'm still in doubt.

Pero, sige! Desperada na akong magustuhan pa lalo ng fiancé ko. Wala namang mawawala eh. Ay, meron pala ang long hair ko huhu.

I took a deep a breath and said;
"Forda go!"

At sinimulan na nga ang pagputol sa mahaba kung buhok. Nanghihinayang ako pero wala na itong atrasan.

I can't watch it. Kaya pumikit na lang ako at pinipigilang ang sariling umiyak.




Third person's point of view

Si Bruce ay hindi din pumasok sa afternoon classes niya dahil sa binili niya ang sinabi ni Leslie na gusto ni Cindee. Actually, matapos lang ang usapan nila ay umalis agad ito ng walang pag-aalinlangan.

Halos 4PM na ng makabalik si Bruce sa University. Now, he's headed to Cindee's classroom.

Iniwan niya muna ang binili sa bench na malapit at pumunta sa may pintuan ng classroom para istorbohin ang klase.

"Umm, excuse me po, ma'am. May I excuse Ms. Cindee? The dean wants to talk to her." Pagsisinungaling niya. The dean is his father, by the way.

At naniwala naman yung professor at pinalabas na si Cindee.

"Bakit daw?" Ang unang sambit ni Cindee nang makalabas

"Wala! It's me who really wants to talk to you!"

"Tss!" Tumalikod agad si Cindee at nagbadyang maglakad agad papasok

"Wait!" Hinawakan ni Bruce ang kamay niya. "Don't go! I have something for you."

"Don't touch me!" Paghampas ni Cindee sa kamay niya

"Okay, I'm sorry! Just stay!"

Cindee rolled her eyes. "Bakit ba kasi?" She's irritated

Bruce smiled and then grabbed the bouquet of crocheted tulips on the bench.

"For you!" Ang sabi niya

"What's that?"

"Bouquet of tulips. I can't find real tulips here, kaya ito munang crochet. Sobrang nahirapan akong hanapin 'to!" Ani Bruce

"Bakit ka naman kasi bumili niyan?!" Pagtataray ni Cindee

"You love tulips eh."

"Pano mo naman nasabi?"

"I just knew it!"

"Or sinabi sayo ni Leslie?"

"Hindi ah."

"Tss, sinungaling! Hindi ko matatanggap yan!"

"Why?"

"I just don't want to accept anything from you!"

"Fine! Then, I'll left this here!" Ibinalik ulit ni Bruce ang bouquet sa bench, at iniwan nga. Naglakad na siya pero hindi naman siya tuluyang umalis. Nagtago lang siya pagliko sa hallway at dumikit sa pader para silipin si Cindee na ngayon ay nakatingin lang sa iniwan niya.

"Hays! Nakaiinis talaga ang lalaking yun!" Ang sabi ni Cindee sa sarili.

"Bahala siya sa buhay niya! Hindi ko 'to kukunin!"

Tumalikod na nga siya at nagsimulang humakbang pero agad naman siyang natigilan at may pagbabago sa isip.

"Haiysst!" Naglakad pabalik si Cindee at dali daling kinuha ang bouquet. "Sayang!"

Kaya naman, itong si Bruce ay hindi na mapigilang mapangiti sa nakita.

Napapikit siya at napatingala ng bahagya. Ganyan siya kiligin. He can't stop smiling. He even bit his lower lip.

Samantala, pagbalik naman ni Cindee sa klase ay napansin agad ng mga classmates niya ang bigay sa kaniya ni Bruce.

"Galing ba yan kay Sir Dean?" Tanong ng kaklase niya

"OMG! May gusto sayo ang dean?" Reaksyon naman ng isa pa.

"Are you crazy? Hindi noh!" Tugon naman ni Cindee

"Edi kanino yan galing? Kay Bruce ba?"

"OMG! May gusto sayo ang anak ng dean?"

"Swerte mo naman!"

"Tss, malas nga eh!" Ang sabi ni Cindee sa sarili

"Haba ng hair mo Dee! Prayer reveal!"

"Cindee at Bruce, Brudee! Bagay ah!"

"Ayieehhh!" At nagsimula na nga siyang asarin ng mga kaklase niya.

Cindee rolled her eyes. Nahihiya siya at gusto na lang lumabas ulit.

"Enough! Can't y'all see that I'm here?!"

Natigil naman agad ang ingay dahil sa pagsingit ng Professor.

"Cindee, go back to your sit!"

Umupo naman agad si Cindee, pero ang mga tingin sa kaniya ng mga kaklase niya hindi parin maaalis. Naiinis na rin siya sa binibigay nilang ngiti.

"Argggghh! Gusto ko nang umuwiii!"









Leslie's Point of View



The haircut is done, and I'm so freaking happy and satisfied with the result. Short hair really suits me and ngayon ko lang na realize. I'm sure mas magugustuhan na ako ni André hihi. Thanks to Bruce! Tamang desisyon na naniwala ako sa kaniya. I feel so cute and pretty at the same time.

#gandanggandasasarili

Kakauwi ko lang at hinanap ko agad ang fiancé ko. Excited na akong makita niya ang bago kung look hihi.

Nasan kaya yun? Baka nasa kwarto na naman niya.

Hays, hintayin ko na lang siya dito sa sala. I'm sure lalabas din yun pag nagutom. Scroll muna ako sa Instagram.

Habang busy ako sa panonood ng mga reels sa IG ay may biglang humawak sa balikat ko. Sa gulat ay agad akong napalingon, at tumambad sa akin si André. Si André na mas nagulat pa sakin.

Mukhang effective ah. Gulat na gulat siya sa beauty ko hihi.

"What's wrong?" Tanong ko dahil sa naging reaksyon niya. Parang nakakita lang ng multo.

"Nothing. A-Akala ko ibang tao!" He answered, nautal pa.

"What can you say about my look? Nagustuhan mo ba?" I'm flexing my hair

"Tss, No! Hindi bagay sayo!" Ang sabi niya sabay talikod at lakad palayo

Luh! In denial talaga tong fiancé. Halata namang nagustuhan niya eh. Ayaw pa aminin.

"Wag ka maniwala sa kaniya!" Napalingon ako sa nagsalita, si Eiyan.

"Bagay sayo ang short hair. You look even prettier." He said it with a sweet smile.

"Yeah, I know!"

Napatawa naman kami pareho.

Buti pa itong si soon-to-be brother in law ko marunong mag appreciate.

Love Me Back, My FiancéWhere stories live. Discover now