Chapter 8

736 16 0
                                    

Nasa bahay na ako, nasa kwarto. And still wearing the t-shirt that I believe was given to me by my fiancé, André.

*Knock knock knock
May kumatok sa pinto.

"Sino yan?" I asked

"It's me!" Boses ni mom

"Bakit po, Mom?"

"Cindee is here!" She answered

Si Cindee? Bakit siya nandito? Akala ko galit siya sa akin. Hindi niya talaga ako matitiis.

Pero ako, nagtampo ako sa kaniya kanina dahil sa hindi niya rin ako pinaniwalaan. But I shouldn't be, dahil nakita ko kung pano niya ako ipinagtanggol mula kay Martina at sa iba pang mean girls. Siya ang uri ng kaibigan na ipaglalaban ka.

"Coming, mom!"

Tumayo na ako mula sa kama ko at lumabas ng kwarto. At habang naglalakad ako pababa sa hagdan ay nakita ko na si Cindee na nakaupo sa may living room and she's with a girl na hindi ko kilala.

"Hi Cindee!" Bati ko nang nakalapit na ako sa kanila "and who's the girl?"

"Hello Les, si Maricris nga pala!" Pakilala niya doon sa girl na may salamin

"Hello, Les!" Naki pag handshake sakin yung Maricris

"So, why you're here?" Tanong ko sa kanila.

"Well, we are here to help you!" Sabi ni Cindee

Kumunot ang noo ko

"Tulungan saan?" I am confused

"Si Maricris ay isang Psychiatrist and makakatulong siya sayo na maging maayos ang pag iisip!"

"WHAT? I don't understand? Bakit naman?"

"Les, kailangan mo nang kalimutan ang André na yun, ang obsession mo sa kaniya, at ang....."

Pinutol ko ang dialogue ni Cindee.

"Wait, are you thinking na nababaliw na ako kaya ka nagdala ng isang psychiatrist?"

What the heck! Seryoso  ba siya?

"Hindi naman sa baliw kana, pero kung ipagpatuloy mo pa yan ay mababaliw ka talaga. Kaya para makaiwas, need mo na ng early intervention!" She stated

"HAHAHAHA HAHAHA" I laughed so hard, but I kind of feel offended.

"Anong nakakatawa Les? Baliw ka na ba? OMG, Maricris help her!" Ang natarantang sabi ni Cindee

"Huy! Hindi noh! Nakakatawa ka lang kasi ang sinabi mo. Nag jojoke kaba? Saka ilang beses ko bang dapat sabihin sa iyo na totoo lahat nang sinabi ko. Totoo na magpapakasal kami ni André!"

"Oh, yan ka na naman!"

"Hays!" I sighed. Ayaw niya talaga maniwala sakin! "Mom!!" Pagtawag ko sa kaniya

"Oh, bakit Leslie?" Tugon ni Mom

"May questions po sayo si Cindee." I answered

"What are those, Cindee?"

"Umm... Totoo po bang magpapakasal na si Leslie?" Agad na tanong niya

"Yes, she is! We arranged a marriage for her, pero medyo matatagalan pa naman." Sagot ni Mom

"Ang lalake po bang ipakakasal sa kaniya, ay yung pogi DAW na matangkad, maputi, at André ang pangalan?"

"Yes! Exactly! Si André nga ang fiancé niya. André Joaquin Delgado, that's his full name. I know you know him."

Nginitian ko si Cindee na ang mukha ay halatang surprised.

"Oh Dee, siguro naman ngayon naniniwala kana!"

Almost 5 seconds siyang hindi nakapagsalita

"Ummm, Maricris makakaalis kana. Hindi ka na namin kailangan!" Ang sabi niya sa psychiatrist

"Huh? Okay. Pero nasan bayad mo?" Inilahad ni Maricris ang kaniyang kamay

"Luh? Eh wala ka pa namang ginawa!" Tugon ni Cindee.

"Hoy! Nagpamasahe ako papunta dito noh. Ang hirap pa mag commute! Bayaran mo yun! Saka sinayang niyo oras ko sa wala. Marami din akong ginagawa noh!"

Luh, psychiatrist ba talaga toh?

Kumuha ng pera si Cindee sa wallet niya at ibinigay kay Psychiatrist na nagtataray na ngayon. "Oh yan! 1k na yan baka mag reklamo ka pa?"

"Hays, pwede na to! Sige na alis na ako. Bye!" Ang huling mga salita ni Maricris bago siya tuluyang umalis.




Nasa kwarto na kami ngayon and here, I told her everything. Sinabi ko kung ano ang mga napag-usapan nung dinner namin with André's family. I explained to her what are the reasons behind this arranged marriage and siyempre di ko kinalimutan ang tungkol sa pagtira ko kina André this coming Sunday.

I am expecting Cindee to be as happy as I am, but she doesn't look like she is. I don't see the excitement and joy. Dapat nag cecelebrate kami eh.

"Dee, aren't you happy?"

"Umm, I don't know?" Her response in a low voice

What? So she is not really happy!

"W-Why?"

"Les." She looked at me and held my hands. "Are you sure of this, of him? Will you really pursue that marriage?"

"Yes, I am a hundred percent sure. Why wouldn't I? I always dreamed of this, and you're aware of that."

"Yes, but I am also aware that he is not a good guy. He's not the right person for you."

"How could you say that? You don't know him."

"You don't know him too!" My voice is now slightly increasing in tone.

"I am, and I will know him more because I will live with him."

"You'll be disappointed!"

I removed her hands on mine

Umiling ako

"Leslie, marami pang mas better sa kaniya!"

"Cindee, there's no one better than him kasi siya na ang best sa akin." I can now feel the intensity

"As my best friend, you should be happy for me. You should support me?!"

"As your best friend, I will not support or tolerate things that I know will not be good for you. Concern lang ako sayo at ayaw ko na mag suffer ka sa huli."

"Walang pagsisising mangyayari, Dee! And sinasabi ko ito sayo dahil concern din sakin si André!"

"How can you say that?"

"Because of this." Turo ko sa shirt ko "He gave it to me kanina nung kinailangan ko nang maisusuot!"

"Did he give it to you personally?"

"No! Iniwan niya to sa may CR, with this letter!" Pinakita ko yung sulat kamay ni André

"How can you be so sure na galing nga to kay André? Siya lang ba ang may "A" sa University?"

"Alam mo Cindee, kung ayaw mo na naman akong paniwalaan, kung ayaw mong tanggapin si André at ang engagement namin, makakaalis kana." Lumapit ako sa pinto ng kwarto at binuksan ito para sa kaniya.

"Kung dito rin lang naman iikot ang usapan natin, I think we should end it. Wala naman 'tong patutunguhan eh. Because you will not convince me to believe what you are trying to impose on me."

"Okay" Tumayo na si Cindee sa kinauupuan niya

"Sana nga tama ka at mali ako. Because I don't want you to end up crying and regretting everything."

"Bye!" At tuluyan na ngang lumabas sa kwarto ko si Cindee.

As Cindee departed, I collapsed onto my bed, consumed by a profound sense of disappointment. It weighed heavily upon me, for her lack of support was a blow I hadn't anticipated. I understood her concern, yet I resented the way she attempted to impede my love for André. 

She's my best friend, yet she's acting like a kontrabida.




Love Me Back, My FiancéWhere stories live. Discover now