Chapter 35

520 10 0
                                    

Sa buong byahe papunta sa university, ay ikinuwento ko lang kay André ang ilan sa mga nakakatuwang mga karanasan ko noong bata pa ako. For him to know me better.

So ayun na nga, André was all ears when I was talking the whole trip. He was interested. He laughed with my stories, and that really made me feel good. Tawa siya ng tawa, lalo na doon sa kung pano ko sinubukan kainin yung poop nung pusa namin dati noong 3 years old ako. Nakakahiya pero nasabi ko na eh.

"We're here!"

Madami pa sana akong ikikwento sa kaniya kaso andito na kami sa University, so ayun, next time naman. Sana sunod mag kwento din siya about sa kaniya. Time na din para makilala ko pa ang fiancé ko.

Hindi muna ako lumabas ng kotse nang naka park na ito, at pinauna muna si André. Tingnan ko lang kung pagbubuksan niya ako hihi.

At laking saya ko nang hindi niya lang ako pinagbuksan, inoffer niya pa yung kamay niya at inalalayan sa paglabas.

Wahhhh, I'm screaming, inside.

Bago kami maglakad ay ipinulupot ko muna ang kamay ko sa braso niya, at okay naman siya dito. Bakit naman hindi, diba?

Ilalabas ko na ang clingy side ko hihi.

Ngayon ay hawak hawak ko na ang bicep niya pagkalaki, kay hindi ko na napigilan ang sariling pisilin ito. Matigas hihi.

Napatingin sa akin si André sa ginawa, and it was so cute of him, when he just giggled.

Wahh, Tnagina naman André eh. In love na in love na ako sayo.

Sa paglalakad namin ay syempre hindi mawawala yung mga nagtitinginan sa amin.

Hmmmp! Sarap tusukin ang mata nung mga nagtataasang mga kilay sa akin eh.

Pareho kaming napatigil sa paglalakad nang kailangan na naming maghiwalay. Magkaiba kasi ang pupuntahan naming building, pakanan ang sa kaniya at sa kaliwa naman ang daan ko.

Magkaiba kami ng program ni André. He is an Engineering student at ako naman ay Tourism.

"See you later, Leslie!" André said calmly

Kumalas na ako sa pagkakahawak sa kaniya.

"Have a good day!" He added

"You too! Bye!"

"Bye!"

Nagsimula nang maglakad palayo si André at pinanood ko muna siya. Nang medyo malayo na siya ay naglakad na rin ako.

"Bakit kaya naging fiancé yan ni André?"
"Wala rin akong idea. Maganda ka pa nga sa kaniya eh!"

I overheard the conversation of two girls talking behind me. Or sinasadya nilang marinig ko talaga.

I will not let this one slide. Tumatapang na ako ngayon.

Hinarap ko na sila nang nakangisi.

"Hi girls." Sambit ko

Pero tinarayan lang nila ako.

Hmmp. Sikmuraan ko kayo dyan pareho eh. Ginigigil niyo ako.

"Sorry ah, kung AKO yung fiancé ni André, at mukhang wala na kayong magagawa kaya tanggapin niyo na lang, okay? Saka wag na kayo mag selos ah, kasi wala naman kayong karapatan." And I smirked at them again.

The faces say it all. They are pissed and intimidated.

"And girl, wag ka namang magsinungaling sa kaibigan mo, baka maniwala!" Ang last line ko bago umalis sa harapan nila.

Love Me Back, My FiancéWhere stories live. Discover now