Chapter 6

808 17 0
                                    

"WAHHHHHH" Sigaw ko habang may nakatakip na unan sa mukha ko. Baka kasi marinig ako nila mom, mag panic pa sila.

"WAHHHH" pagpatuloy ko pa habang mabilis na ikinukumpas ang mga paa sa hangin. Baka ikamatay ko ang sobrang saya at kilig Hahaha.

Tumingin ako sa kisame, kung saan nakadikit ang malaking poster ni André, ang fiancé ko.

Lalong lumapad ang ngiti ko. Nangangalay na nga ang panga ko sa kakangiti pero I can't stop it talaga. Every time na sumagi sa isip ko ang tungkol sa arranged marriage auto smile talaga. Pangarap ko yun e.

May kumakatok

"Leslie, sweetheart, it's me!" Boses ni Mom

Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga at binuksan ang pinto. I immediately saw her smile.

"Hi Mom!"

"So, how are you feeling right now?" Ang tanong niya nang parehas na kaming nakaupo sa kama

"I'm feeling the highest level of happiness, Mom!"

"We're happy for you too, Les." She holds my hands and looked around where pictures of André is herein.

"Finally, ikakasal kana sa kaniya." Inilipat niya ulit sakin ang tingin niya "I told you, it will happen."

Laging sinasabi sakin dati ni mom na lahat ng pangarap ko ay matutupad, pati na rin ang pangarap ko na maikasal sa kaniya na akala ko ay imposible. And here I am, engaged na sa kaniya.

"I'm still in disbelief, Mom"  tugon ko

"Ganyan din ako ng una. I had no idea na ang kinababaliwang crush mo pala ay anak ng business partner ng Dad mo, he didn't know that too." She stated

"At nung araw na sinabi na sakin ni Jonathan ang tungkol sa plano nilang arranged marriage, siyempre sobrang tutol ako. Pero nang nalaman ko na si André pala ang planong ikasal sa iyo, well, nilunok ko lahat ng mga sinabi ko at pumayag din dahil sigurado akong magugustuhan mo 'to."

"You think it's destiny, mom?"

"Definitely. You are destined for each other, Leslie, like I always told you. Tadhana na ang gumawa ng paraan para magkasama kayo."

"I love you, Mom." I hugged her, and as I was in her embrace, I felt a tear in my face. It is a tear of pure happiness.









Kinabukasan

"So, Leslie! Ano ba talaga kasi ang sasabihin mo sa akin?" Ang tanong ni Cindee nang nakahanap na kami nang pwesto sa canteen. It's break time at nandito kami ngayon sa parteng gitna. Ngayon ko palang sasabihin sa kaniya ang good news.

Hinawakan ko ang magkabila niyang braso habang may malaking ngiti sa labi. "Guess what?"

"It's about André, right?"

"Yes! Pano nalaman?"

"Les, siya naman lagi ang rason kung bakit ka laging nakangiti nang ganyan eh, kung bakit ka laging tulala, nag di-daydreaming!"  Sagot niya

Ayy

"Okay! Pero ngayon, tapos na ang daydreaming era ko sapagkat dininig na nang Diyos ang panalangin ko WAHHHHHHH!" Ang kinikilig kong sabi habang hinahampas ang braso niya

"Aray ko naman Les!"

"Ay sorry sorry! Na carried away lang!'

"So, ano nga?"

Love Me Back, My FiancéWhere stories live. Discover now