"What's that?"
Agad kaming napalingon ni Cindee sa nagsalita
And it's Martina Martinez, anak ni Professor Martinez. At ayaw na ayaw na ayaw ko sa kaniya. Ginigigil niya ako. Sobrang arte at taray niya kasi akala mo kung sinong maganda. Super papansin din siya kay André. Lapit ng lapit siya sa kaniya, pero buti na lang at wala ding paki si André sa babaeng to.
"Bingi ba kayo? ang sabi ko 'What's that?" Ang mataray na sabi ni Martina na may nginuya na gum, pulang pula ang labi, naka eyelash extension, fake nails, makapal na make up, at maikling palda. Same looks sa dalawang kasama niya.
"Umm wala!" I replied
Anong bang pakialam ng babaeng to! Can't she mind her own business?
"Anong wala?!" Mabilis niyang hinablot ang Phone ko sa kamay ni Cindee "Eh ano 'to?"
"Hoy, ibalik mo yan!" Aagawin ko na sana yung phone ko nang biglang humarang yung dalawang kasamahan niya.
At pinanood na nga yung video.
Sheet
"HAHAHA" at sabay sabay pa ngang tumawa ang tatlo. Kainis!
"Ang corny mo naman girl at super duper CRINGE!"
"We know!" Ang pag sang-ayon naman ni Cindee
Siningkitan ko lang siya.
"Kaya ibalik mo na yan, okay?! Wag pakialamera" She added
"No! André needs to see this!"
Ano?!
"Sakto nasa malapit lang siya!"
"Uy, wag mong gawin yan, Martina."
"Well, I will!" At sabay smirk
At nagsimula na nga siyang maglakad patungo kay André na nakaupo parin sa field.
Sheet
"Martina, wag! Ibalik mo ang phone ko!"
"Bitawan niyo kami!" Ang galit na sabi ni Cindee sa dalawang babae na pilit kaming pinipigilan na makalapit kay Martina.
Malapit na siya kay André
"Sabing bitaw!" Ang pasigaw kong sabi sabay tulak ng malakas sa nakaharang sakin.
Agad akong tumakbo patungo kay Martina pero huli na ang lahat nang makarating ako. Naibigay niya na ang phone ko kay André.
Sheet
"Look oh, André. This girl just made you a poem! Ang sweet diba!" Tiningnan niya ako na nakangiti. Yung mukha ng nakakainis at nang-aasar.
At pinanood naman ito ni André.
Nakakahiya! Lamunin mo na ako, lupa.
Narinig kong itinigil niya agad ang video. And I noticed na nag i-scroll na siya sa gallery ko.
Packing sheet! Baka nakita niya yung album na nakalagay lahat ng mga stolen pictures niya. Halaaaa!
Napahawak na lang ako sa noo kong pinapawisan.
He looked at me with a serious face. Ang pogiiii acckk
Owemji! Nakatingin talaga siya sa akin.
My heart is beating fast.
I have mixed emotions ngayon. Kinikilig ako na kinakabahan na masaya na natatakot. Ewan ko ba!
"What the fuck are these?" Ang mahina ngunit intense niyang tanong habang ipinapakita ang cinapture kong litrato niya.
Ang gwapo ng boses.
"You've taken hundred pictures of me without my permission. This is clearly an invasion of my fucking privacy. You know I can sue you for this, right?""You should, André!" Pagsawsaw ni Martina
Tinignan siya ni Cindee ng masama.
"No, André! I'm sorry... I'll delete it!" Humakbang ako palapit sa kaniya at nang kukunin ko na sana ang phone ko ay nahulog ito mula sa kamay niya.
At agad itong tinapakan ni André nang madiin dahilan para mag crack ito.
Napanganga na lang ako sa ginawa niya.
"Next time na gawin mo ulit 'to, hindi lang phone ang masisira sa'yo, pati buhay mo!" Pagbabanta niya
"Don't fucking disturb me again!" Ang madiin niyang banggit
"Lalo kana!" He pointed out Martina. Inis siya.
I can see the shock in her face. Buti nga sayo!
She's been disturbing André for years. Why the heck she's surprised?Naglakad na palayo samin si André. He left me stunned.
"That's what you get, girl! Nararapat lang yan sa'yo!"
Pack you ka, beach! Kasalanan mo 'to!
"Tigilan mo na si André. Wala ka namang pag-asa sa kaniya eh. Not even a 1% chance." Giit niya
"Bakit? Sa tingin mo ba may pag-asa ka sa lalaking yun?" Sabi ni Cindee
"Oo naman! Magugulat ka na lang girlfriend niya na ako!"
Yuckerss. Feelingera din ehh
"Mas delulu ka pa pala sa kaibigan ko eh. Mas hindi ka non gusto. Halata namang inis siya sa presensya mo noh." Nang-iinis na tugon ni Cindee
"Whatever!" She rolled her eyes "Tara na girls! Masyado na tayong na e-expose sa mga babaeng to! Baka mahawa pa tayo sa kabaduyan nila."
Umirap muna si Martina bago sila lumayo sa amin.
Pasalamat siya wala ako sa mood makibardagulan.
YOU ARE READING
Love Me Back, My Fiancé
RomanceWhat if maging totoo ang delusions mo? What if ikakasal ka nga sa kinababaliwang crush mo? Sa pagpasok ni Leslie sa buhay ng kaniyang man of her dreams siya na ba ang magiging pinakamasuwerte at pinakamasayang babae sa mundo o Hindi, kasi sasampali...