Chapter 15

662 16 0
                                    


Sa buong byahe pauwi ay hindi na kami nagkaroom ng interaction ni André. Tiningnan ko lang siya sa habang nagmamaneho. Wala na kasi akong energy at wala rin sa mood kaya hindi na ako nagsayang ng lakas para magsalita pa. I feel so drained!

Pagdating sa bahay ay pareho kaming dumiretso agad sa kwarto namin. Pero, siya ang mas nauna sa akin. Ang bilis niya kasing maglakad.

Nasa isang bahay nga kami kaso hindi naman kami nakakapag-usap. Lagi siyang umiiwas sakin. Hays!

As I entered my room, my body gently fell down on the bed, and I then forced myself to take a nap. I need it!

Several knocks woke me up from my nap.


Pero wala akong narinig na nagsalita. Si manang Gina ba yun? Siya lang naman ang kumakatok dito eh.

I lazily lift my body from the bed and grabb my phone to know what time it is.

It's 7:16 PM already

Halos isa't may kalahating oras pala akong nakatulog pero parang kulang pa yata. Tulog ulit kaya ako.

Wag na pala! Baka dinner time na kaya kinatok na ako. Saka baka naghihintay na sakin ang fiancé ko sa baba hihi.

Tumayo na ako. Sa pagbukas ko ng pinto ay may tumambad sa akin na...

IPIS

"AHHHHHH!" Sa gulat ay agad akong napasigaw ng malakas.

Mabilis na napalapit sa akin si Manang Gina. Nakita ko rin si André pero hindi na siya lumapit pa. Tumatawa siya.

"Bakit po, ma'am?" Agad na tanong ni Manang.

"May ipis!" Turo ko sa dalawang ipis na nasa sahig.

Nabigla din si manang sa nakita at mabilis na kumuha ng walis. Bayolente niyang ipinaghahampas ang mga ipis. Nang mapagod si manang ay napatigil na siya. Pero sa napakaraming beses niyang pagpalo ay ganun pa rin ang lagay nung ipis. Hindi man lang napisa. May super powers yarn?

Nagtinginan kaming dalawa ni manang na parehong nagtataka.

"Eh hindi naman pala to totoong ipis eh." Sabi ni manang nang pulutin ang mga ito sa sahig

"Ano po?" Tugon ko sabay kuha sa kaniya nung ipis

Oo nga! Plastic lang to! Hays, sino kaya may gawa nito?

Ay sino pa nga ba. Si André lang ang gagawa nito sakin sa bahay na to. Gagawa talaga siya ng paraan para mapaalis ako dito. Pero hindi naman to oobra. Kahit totoong ipis pa ito, mission failed parin siya. Para ito lang? Hahaha. Ano ako mahina!? Hindi noh!

Bumaba na ako para pumunta sa dining room para mag dinner na dala parin yung pekeng ipis. Isasauli ko lang.

"André!" Ang banggit ko sabay tapon sa kaniya nung dalawang ipis.

Sa pagkabigla ay napatayo si André at napaatras. Muntikan pa nga siyang matumba e.

HAHAHA kitang kita sa mukha niya kung gaano siya nagulat.

"Fuck you!" Sambit niya habang masama ang tingin sa akin.

Galit yarn? Ikaw naman nauna eh, tss.

"Bakit? Ibinigay ko lang naman yung laruan mo. Naiwan mo kasi sa harap ng kwarto ko." Sabi ko kahit sinasadya naman talaga niyang iwan don.

"Tss!" Tumalikod si André sa akin at agad humakbang palayo

"Sir, tapos kana po kumain?" Tanong ni manang sa kaniya.

Love Me Back, My FiancéWhere stories live. Discover now