Chapter 14 - Extended Honeymoon

7.1K 89 8
                                        

*** ALL RIGHTS RESERVED ***

*** ALSO, PLEASE FEEL FREE TO LEAVE YOUR COMMENTS ***

 

OMG!!! Namiss kita Matt.  Kahit nagkakasama kayo ni Hans, iba pa din talaga pag saiyo na lang nakututok ang panahon ko.  Kamusta na ang bakasyon mo?

 

Sana hindi naman masyadong mainit ang ulo mo.  Ayan nga't nagka oras na kayo ni Victoria for your advance honeymoon.

 

SPG pa din ata ito so bawal ang bata at isip bata ha?

 

 

**********

VICTORIA

Maaga kaming nakarating sa condo from the airport.  We decided not go out for dinner.    Instead, Matt proposed na magluto na lang ng dinner para sa amin.

Dinala ako ni Matt sa unit nya, which is the penthouse.

"Wow!"  Sabi ko sa kanya pagpasok pa lang namin sa unit nya.  "You own the whole floor?"

"Yup."

Gaya ng ginawa ko sa kanya the first time na nagpunta sya sa bahay ay iniikot nya din ako sa unit nya.  Kung tutuusin ay parang isa na itong buong bahay dahil two storey ito.

May apat na kwarto, masters bedroom na may en-suite na office, library, kwarto para sa driver at sa kasambahay.  Malaking kitchen at sosyal na dining area.

Mayroon ding mini bar at maliit na kitchen na palabas papuntang swimming pool at patio.  Sa lawak nun, I think he can accommodate about fifty guest kung magpapaparty sya.  Or more?

Nganga ako.  Hiyang hiya naman ang unit ko.  Nakikigamit lang ako sa facilities ng condo.  Samantalang itong penthouse nya, kumpleto.

Mawiwindang na lang din ako kung may helipad din sya dito.

"You like it?"  Tanong nya sa akin

 

"What's not to like?  Sobrang nakakalula lang talaga sya sa laki."

Natawa sya. "Simple lang naman ito."

Eto na ang simple sa kanya?  Ano na lang ang hitsura ng bahay nila sa Forbes?

"You were living here all along and wala akong idea?"  Tanong ko sa kanya.  Ang tagal ko ng nakatira dito sa condo, at ni minsan hindi naman kami nagkasalubong.

"Honestly?"

"Of course."

"You know I've moved in when you went to Batangas with Jason, right?"

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon